This post is also available in: 简体中文 (Chinese (Simplified)) English (English) Français (French) Español (Spanish) Português (Portuguese, Portugal) Română (Romanian) Deutsch (German)
Isipin mong ikaw ay nakaupo sa isang bulwagang talakayan ng pamantasan, at ang tagapagturo ay nagbibigay ng isang buong araw na pagtatanghal sa Darwanian Ebolusyon, Pinakitaan ka ng mga katibayan mula sa anatomy, fossils, embryology, genetics at Bio-geography at nagsabing walang pag-aalinlangang si Darwin ay tama. Dahil tama ang Diyos, hindi natin kailangan ang Diyos bilang paliwanag. Ano ang iyong magiging reaksyon sa pagdagsa ng hindi maikakailang mga katibayang ito?
Karamihan sa mga tao ay tatanggapin na lamang kung ano ang sinabi sa kanila at sumama sa karamihan, walang sinumang nais na maging nag-iisang kakaiba. Relihiyoso ka man o hindi, lahat tayo ay sasang-ayon na tanggaping ang isang bagay na walang kritikal na pagsusuri ay bulag na pagsunod, na kung saan, ito ay hindi maaaring maging magandang bagay.
Ang polyetong ito ay pinagsama upang mabigyan ka ng isang alternatibong pananaw. Kahit na ang Darwanian Ebolusyon ay isang gumaganang modelo, teorya at pamantayan, ay hindi ito isang katotohanan sa diwa ng pagiging ganap, tiyak, at hindi nababago… Malaking pagkakaiba sa pagitan ng pang-akademikong pag-unawa sa Darwanian Ebolusyon at ng pang-publikong pag-unawa.
Kung ang lahat ng ito ay tunod kakaiba dahil buong-buhay mo ay itinuro na sa iyo ang teoryang ito na kasing-totoo ng hugis ng mundo, magkagayon ay hindi ka nag-iisa, dahil milyun-milyong mga tao sa mundo ay nasa parehong bangka, na maaari mong isipin.
MGA TUNTUNIN NG PAKIKIPAG-UGNAYAN
Mahalagang bigyang diin mula sa simula na ang lahat ng mga biyolohiya at pilosopo na binanggit sa ibaba ay mga pangunahing akademikong sekular, sa madaling salita, wala silang anumang relihiyosong pagkiling laban sa Darwinian Ebolusyon. Gayundin kailangan nating tukuyin ang ‘Darwinian Ebolusyon’ at ‘Ebolusyon’.
Ang Ebolusyon ay nangangahulugan lamang ng pagbabagong Pambiyolohiya sa paglipas ng panahon, una itong ginamit sa wikang Ingles noong ika-17 siglo[1]. Ang Ebolusyon bilang pinaka-pangunahing kahulugan nito ay isang napapansing kababalaghan na hindi kontrobersyal at matagal nang nalalaman. Halimbawa, ang ibat-ibang klase ng mga paru-paro ay mababakas ang iisang lahi ng paru-paro. Gayundin, ang Pitbull at ang Chiwawa ay mababakas mula sa iisang lahi.
Noong 1809, ang Pranses na Biyolohiya na si Jean Bapsite Lamarck ay inilathala ang Philosophie Zoologique, sa loob nito siya sa kauna-unahang pagkakataon sa Agham ay sinubukan niyang buuin ang isang teorya ng ebolusyon. Ang kanyang teorya ay may dalawang bahagi na ang isa ay isang kasaysayan ng ebolusyon sa mundo, at isang mekanismo kung paano naganap ang ebolusyon na ito.*
Ipinagpalagay ni Lamarck na ang kasaysayan ng ebolusyon ay tulad ng isang bakod. Ipinagpalagay niya na mayroong maraming mga pinagmulan ng buhay at maraming linya ng ebolusyon ang nagaganap. Nangyari ito sa pamamagitan ng mekanismo na kilala bilang pamana ng takdang katangian.
Dumating si Darwin noong 1859 at isinulong niya ang isang alternatibong teorya ng ebolusyon na mayroon ding dalawang bahagi [2]. Ang iminungkahi ni Darwin na kasaysayan ng ebolusyon sa mundo ay isang puno. Sa halip na maramihang mga pinagmulan ng buhay, na ipinagpalagay ni Darwin na mayroon lamang isang pinagmulan ang buhay, at ang lahat ng buhay ay nagbago mula rito. Ang mekanismong kung paano maaaring nangyari ang ebolusyon na ito ay ang likas na pagpili.
Ang teorya ni Darwin ay nakuha ang pansin at alternatibo tulad ng Lamarckian Ebolusyon ay hindi pinansin ng pamayanang pang-agham. Sa paglipas ng panahon, ang terminong ebolusyon at Darwinian Ebolusyon ay nagsimulang magamit ng halinhinan at humantong ito sa isang malaking pagkalito. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang gamitin ang salitang ebolusyon sa wastong paraan. Ang ebolusyon ay hindi kontrobersyal, ito ay ang simpleng pagmamasid ng pagbabagong pambiyolohiya. Ang mga natatanging kasaysayan ng ebolusyon ay maaaring mabuo tulad ng bakod ni Lamarck o puno ni Darwin, gayon din, ang mga natatanging mekanismo ng ebolusyonaryong pagbabago ay maaaring mabuo tulad ng likas na pagpili at pamana ng takdang katangian.
Minsan ang mga masigasig na tagataguyod ng Darwinian Ebolusyon ay sinasadyang pagsanibin ang Ebolusyon at ang teorya ni Darwin. Lumilikha ito ng impresyon na ang Darwinian Ebolusyon ay malinaw na pagmamasid sa kalikasan at samakatuwid ay hindi maikakaila. Kung tatanggapin ng sinuman ang Ebolusyon at Darwinian ebolusyonay magkaparehong bagay, kung gayon ang lahat ng kinakailangan upang mapatunayan na ang puno ng buhay ay totoo ay ang pagsusuri sa isang baktirya na umuusbong sa paglabang gamot. Malinaw na mali ito, at ito ay isang pormal na lohikal na kamalian na kilala bilang ‘Ekwibokasyon’.
Kaya’t ang bawat termino ay kailangang magamit nang tama o kung hindi ay magkakaroon ng isang malaking bahagi ng pagkalito, at ang mga tao ay hindi maiintindihan ang bawat-isa!
Agham at katiyakan
Ang siyentipikong rebolusyon ay nagdala kasama nito ng napakalaking mga pagsulong ng teknolohiya. Ang bawat bahagi ng ating pang-araw-araw na mga buhay ay naapektuhan, mula sa pagsuri sa ating facebook sa ating mga smartphone sa umaga hanggang sa pagpalakpak upang patayin natin ang mga ilaw sa gabi. Dahil sa hindi pa nangyari noong epekto ng Agham sa buhay ng tao, ang mga propesyunal (sa medisina) , mga konklusyon at mga hula ay itinuturing bilang sagrado at ganap.
Gayunpaman mayroong malaking pagkakaiba sa pagitan ng paraan mapapansin ang Agham at kung paano ito talagang sinuri. Kuhanin ang sumusunod na pahayag ng ebolusyonaryong Biyolohiya at punong pamamatnugot ng pahayagang Kalikasan: “Sa katotohanan, habang tayo ay lalong nakatutuklas, ay lalo nating napagtatantong wala tayong alam. Ang agham ay hindi gaanong tungkol sa kaalaman bilang pag-aalinlangan. Hindi kailanman sa larangan ng pananaliksik ng tao na nagkaroon ng napakaraming nalamang kaunti tungkol sa napakarami.
Iyon ay medyo kakaibang larawan sa kung ano ang nasa isip ng pangkalahatang publiko. Si Gee ay wala sa kanyang pansarili sa pananaw na ito ng agham, ang mga pilosopo ng Agham, ang mga tao na nag-aaral kung paano gumagana ang agham ay kinikilala ding ang lahat ng mga Siyentipikong teorya ay bukas upang mabago, at ang agham ay hindi maaaring humantong sa katiyakan.
Gumagana ang agham sa pamamagitan ng pagkuha ng limitadong pangkat ng mga obserbasyon at paggawa ng pangkalahatang teorya. Mayroong dalawang mga kadahilanan kung bakit ang mga teoryang ito ay pansamantala. Una ay maaari kang magkaroon ng mga bagong obserbasyon na maaaring hamunin ang iyong kasalukuyang teorya at ang parehong mga obserbasyon ay maaaring pagmulan ng iba’t ibang mga teorya. Dahil sa dalawang kadahilanang ito ang lahat ng mga siyentipikong teorya ay hindi maaaring maging ganap.
Sa Philosophy of Science: Sa Isang bagong pambungad ng Pamantasan ng Oxford ay ipinapaliwanag nito na “Ang Agham ay nagbabago. Samakatuwid ang pag-uusap ng siyentipikong ‘patunay’ ay mapanganib, dahil ang terminong ito ay nagpapasimula ng ideya ng mga konklusyon na inukit sa bato.” Ang Darwinian Ebolusyon (kilala din na Darwinism) ay isang siyentipikong teorya kaya hindi rin ito ganap. Ang Propesor ng Pamantasan ng Oxford na si Richard Dawkins ay umamin sa katotohanang ito: Dapat nating kilalanin ang posibilidad na ang mga bagong katotohanan ay maaaring lumitaw na magtutulak sa ating mga kahalili sa dalawampu’t isang siglo upang talikuran ang Darwinismo o baguhin ito nang labis para makilala. Ang katotohanang ang agham ay maaaring magbago ay hindi isang negatibong bagay, ito ang kagandahan ng siyentipikong pamamaraan na ang mga nakaraang teorya ay maaaring magbago.
Ang ideya na ang Darwanian ebolusyon ay simpleng isang katotohanang hindi totoo. Bagama’t maaari pa rin nating tanggapin ito bilang isang gumaganang modelo, teorya at pamantayan. Sa mas malapitang pagsusuri ang Darwinian Ebolusyon ay nasa pinakamainam na kuro-kuro pa rin, batay sa mga pagpapalagay at mayroong mga pagtatalo tungkol sa mga pinaka-pangunahing mga ideyang ito.
Kuro-Kuro:
Ang gawing posible ang kasaysayan ng buhay sa mundo ay mahirap na gawain dahil sa dalawang simpleng mga kadahilanan, una ang pinag-uusapan natin ay tungkol sa isang bagay na nangyari na sa napakatagal na panahon at pangalawa ay mayroong isang hindi kapani-paniwalang malaking bahagi ng datos ang nawawala.
Ang buhay ay narito na sa halos 4 bilyong taon at 99.999% ng lahat ng mga nabubuhay na bagay ay tinatayang hindi pa natutuklasan. Kaya anuman ang iyong subukan at gawin ay magiging kuro-kuro lamang. Sa pahayagang Siyensiya, nagbibigay ito ng analohiya na ang paggawa sa kasaysayan ng buhay tulad ng balangkas ng Digmaan at Kapayapaan ni Leo Tolstoy na may 13 iba’t-ibang napiling mga pahina! Ang mga biyolohiya ay maaaring tumingin sa kasaysayan ng buhay at magkaroon ng maraming bilang ng mga interpretasyon tulad ng iisang pinagmulan ng buhay o maraming pinagmulan ng buhay, unibersal na karaniwang ninuno o maraming karaniwang mga ninuno, paunti-unti o mabilis na mga pagbabago, pagtaas ng pag-unlad ng kasalimuutan o hindi pag-unlad, bakod ng buhay, o puno ng buhay, o palumpong ng buhay, o agiw ng buhay, anumang interpretasyon na iyong gawin ay maaaring hamunin ng isa pang alternatibo. Imposibleng magbigay ng isang tiyak na sagot tungkol sa kasaysayan ng buhay.
Mayroong isang tanyag na salaysay na dahil may mga pagkakapareho sa pagitan ng iba’t ibang Uri (ng mga hayop) ay mayroong ipinapalagay na iisang pinagmulan sa pagitan nila, ito ay kilala bilang homolohiya. Muli ang homolohiya ay isang kuro-kurong palagay, walang sinuman ang naroroon nang bilyun-bilyong taon upang saksihan kung paano ang isang Uri (ng mga hayop) nanguna sa ibang magkakahiwalay na isa pa. Gayundin, dahil naobserbahan lamang natin ang 0.0001% ng buhay ang anumang puno na ginawa upang maipakita ang mga talaangkanang ugnayan ay hindi kapani-paniwalang mahirap. Bukod sa katotohanang ang homolohiya ay isang palagay, mayroong isang malaking problema sa palagay na ito, dahil ang pagkakapareho ay ipinapalagay na sanhi ng karaniwang paglusong pagkatapos sa kabaligtaran ay dapat magkaroon ng mga pagkakaiba-iba na hindi naman talaga. Ngayon ang tanong ay lalabas kung gaanong pagkakapareho ang kinakailangan upang maging tama ang homolohiya? Ito ay isang mahirap na katanungan upang sagutin at walang malinaw na sagot.
Kung ang kuro-kuro ay hindi pa sapat na ay mayroong malaking problema para sa pagpapalagay ng homolohiya- napansin natin ang pagkakapareho sa iba’t ibang Uri (ng mga hayop) hindi maaaring posibleng mangyari dahil sa karaniwang paglusong, ito ay kilala bilang homoplasiya, ang eksaktong kabaligtaran ng pagpapalagay ng homolohiya. Ang mga pilosopo ng Pangunahing sekular na akademiko ay nagkakasundo na ang homolohiya ay batay sa isang probabilistikong balangkas, na mayroong mga pagpapalagay at natatanging ipotesis at may mga mahihirap na kuro-kuro problema sa loob nito. Sa publikasyon ng pamantasan ng Cambridge na ‘Evidence and Evolution, the logic behind the Science’ ipinapaliwanag nito na ‘Parehong ang mga sumusunod na kaisipan ay samakatuwid walang kabuluhan: “ang mga tao at mga chimp ay dapat pinagsasaluhan ang isang iisang pinagmulan dahil sila ay magkatulad” at “ang mga tao at mga kabute ay dapat na lumitaw ng magkabukod dahil labis na magka-iba sila. Walang kailangan sa loob ng isang probabilistikong balangkas.’ Kaya kung titingnan mo ang pisikal na pagkakapareho o henetikong pagkakapareho ang homolohiya ay mananatiling isang kuro-kuro.
MGA PAGPAPALAGAY:
Mayroong ilang mga pagpapalagay na ang Darwanian ebolusyon ay ibinatay at marami sa mga pagpapalagay na ito ay hinamon ng mga bagong katibayan at bagong interpretasyon.
Ipinapalagay na ang mga Gene ay naililipat lamang sa patayong paraan (vertically), ibig sabihin, mula sa magulang mula sa mga anak, kamakailan lamang natuklasan natin ang proseso ng Horizontal Gene Transfer (HGT). Ang HGT ay nai-dokumento sa mga hayop at halaman, halimbawa, may isang pag-aaral na nagpakita ng hanggang sa 25% ng mga gene sa isang Baka ay mula sa mga ahas[x].
Ipinagpalagay ni Darwin ang ebolusyon na nagaganap sa napakaliit na mga hakbang, ang pagpapalagay na ito ng Paunti-unting ebolusyon (gradualism) ay laging nagiging kontrobersyal, ngunit ito ay isang ganap na mahalagang bahagi ng teorya ni Darwin. Kamakailan lamang ay nagkaroon ng ilang mga pag-aaral na hinahamon ang teorya na Paunti-unti na ito, at maraming pagtatalo sa pagitan ng mga ebolusyonaryong biyolohiya tungkol sa Paunti-unti at Madali (Rapid) na pagbabago ng ebolusyon.
Ang puno ng buhay marahil ang pinaka kilalang simbolo ng Darwinismo. Ipinagpalagay ni Darwin na ang lahat sa lahat ng buhay ay nagmula sa isang selula sa liblib na nakaraan at dahan-dahan at unti-unting nagkaroon ng paghiwalay ng mga espesye sa paraang pagsasanga-sanga ng isang puno. Ang puno ng buhay ay ang tanging pigura sa pinagmulan ng mga espesye at mula noon ay itinuro na ito sa buong mundo, hindi mo mabubuksan ang anumang aklat ng Biyolohiya maliban na nakasulat ito. Gayunpaman, sa mga nakaraang mga taon, ang ilang mga Biyolohiya ay magalang na inilibing ang puno at pinapalitan ito ng isang radikal na alternatibo, ang paikot ng buhay!
Ang isa sa mga sentrong ideyang isinulong ng mga tagasuporta ng Darwinismo ay ang mga katangiang nakuha mo sa iyong buong buhay ay hindi maaaring manahin ng iyong mga apo. Ang matatag na mga bisig ng panday ay hindi mamanahin ng kanyang mga anak, gaano pa sila lumaki sa mabigat na gawain. Si Richard Dawkins, sa kanyang pinakamabentang aklat na ‘The selfish gene’ ay sinabing imposible na ang ganityong nabuong mga katangian ay maaaring maipasa. Gayunpaman, ang mga kamakailang pag-aaral ay direktang na-obserbahan ang ganitong mga katangian ay maaaring maipasa. Ang bagong larangan ng pagkabuong ito ay tinatawag na epihenetika at binago nito ang paraan ng pag-iisip natin tungkol sa pagbabagong pambiyolohiya.
Ang ebolusyonaryong pagbabago ay nangangailangan ng isang bagong mapagkukunan. Ang mga tagasuporta ng Darwinian evolution ay ipinapalagay na ang mapagkukunang ito ay sapalarang mga mutasyon. Kaya ang lahat ng umiiral ngayon ay ipinapalagay na isang resulta ng akumulasyon ng sapalarang mga mutasyon. Muli, ang palagay na ito ay hinamon ng mga bagong pag-aaral. Napansin ng mga Biyolohiyang ang mga mutasyon ay isinaaktibo ng mga panlabas na mga salik, kaya ang mga ito ay nakadirektang mga mutasyon.
Ang mga ito ang ilan sa mga pagpapalagay na hinamon ng mga bagong katibayan. Ayon sa biyolohiya ng Pamantasan ng Oxford na si Denis Noble: Ang lahat ng mga sentrong pagpapalagay ng Neo-Darwinismo ay nawalan ng patunay. Ang pananaw ni Noble pambihira sa ibang mga Biyolohiya, ang punto ng pagbanggit sa mga pagpapalagay na ito at kung paano nila ito hinahamon ay para maipakita ang nagbabagong kalikasan ng mga siyentipikong ideya at mayroong kasalukuyang talakayan ang nangyayari.
MGA PAGTATALO:
Ang tanyag na pananaw na ang Darwanian evolution ay isang katotohanan hinamon nang natuklasan natin na ang ilan sa mga Biyolohiya ay hinamon ang pinakamahalagang mga ideya tungkol sa Darwinian ebolusyon at hanggang sa mapunta pa ito sa pagpanukala ng makipagtagisan ng mga alternatibo. Nasa ibaba ang limang alternatibo sa Darwinian Ebolusyon:
EVOLUTION BY NATURAL GENETIC ENGINEERING (ENGS)
Ayon sa pamantayang Darwanian theory ang pagkasapalaran ng mga mutasyon ay ang luad na ang likas na pagpili ang humuhubog sa lahat ng uri ng mga bagong species (mga lahi). Kahit na ito ay itinuro at muling ibinabalik sa maraming tanyag na mga publikasyon at dokumentaryo, ang ilang ebolusyonaryong teorista ay nag-aangking mayroong kakulangan ng katibayan na ang sapalarang mga mutasyon ay maaaring gawin ang anumang bagay na kapaki-pakinabang. Si James Shapiro ay isa sa mga makabagong Biyolohiya na hinahamon ang sentrong pundasyong ito ng Darwinismo. Si Shapiro ay gumagamit ng kontemporaryong pananaliksik sa mga mutasyon upang makagawa ng isang ganap na bagong ebolusyonaryong pamantayan. Sa Evolution: A View from the 21st Century, ipinaliwanag ni Shapiro kung bakit ang Ebolusyon sa pamamagitan ng Natural Genetic Engineering ay maaaring maging isang mas mahusay na modelo kaysa sa Darwinian Ebolusyon.
EVOLUTION BY SELF ORGANISATION
Ang isa sa mga pangunahing pag-aalala ng ilang mga ebolusyonaryong teorista tungkol sa teoryang Darwinian ay ang kakulangan ng lakas sa pagpapaliwanag na kapangyarihan na Likas na Pagpipilian (Natural Selection) para sa paglikha ng mga bagong species. Nagtatalo sila na ang likas na pagpili ay nagpapaliwanag sa kaligtasan ng pinakamahusay, hindi ang pagdating ng pinakamahusay. Ang makateoryang Biyolohiya na si Stuart Kauffmann ay nagpakana sa Evolution by Self Organization bilang isang alternatibong paliwanag sa likas na pagpili. Ang Evolution by Self Organisation ay maayos na naitala ang mga naoobserbahang kababalaghan sa Kalikasan. Inilapat ni Kauffmann ang prinsipyong ito upang malutas ang mga Biyolohikang senaryo na hindi kaya ng Darwinian. Ang kanyang aklat na ‘The Origins of Order’ ay naglalatag ng isang ganap na bagong paraan pag-aralan ang ebolusyon.
NEO LAMARCKIAN EVOLUTION
Kahit na si Lamarck ay hindi pinansin sa mahabang panahon, sa huling ilang taon ang ilang mga Biyolohiya ay nagsimulang balikan ang kanyang mga ideya at gumawa ng isang binagong teorya na kilala bilang Neo Lamackian evolution. Ang mga tagasuporta ay nakipagtalong ang pamana ng takdang mga katangian ay nagtutulak ng ebolusyonaryong pagbabago, binabanggit nila ang mga kamakailang pag-aaral na nagpapakita ng suporta sa kanilang pananaw. Ipinagpapalagay ng Neo Lamarckian evolution ang rapidong ebolusyonaryong pagbabagong sumalungat sa mabagal na pagdaragdag na mga pagbabago. Ang Ebolusyonaryong Biyolohiya na si Eva Jablonka ay nagtakda sa alternatibong ito sa kanyang aklat na Transformations of Lamarckism.
MUTATION DRIVEN EVOLUTION
Ipinapalagay ng Mutasyonismo na ang ebolusyon ay dulot ng malalaking mutasyon at hindi ng maliit na pagdaragdag na mga hakbang. Ang mekanismong ito ay hinamon ang ideya ng Darwinian gradualism (Paunti-unti) at likas na pagpili bilang nagdudulot na puwersa sa likod ng ebolusyonaryong pagbabago. Bagama’t ang Mutasyonismo ay iwinaksi nang nakaraang siglo ng nakaraang mga taon
Ang Ebolusyonaryong Biyolohiya na si Masotasi Nei ay nagmumungkahi ng inayos na bersyon ng Mutasyonismo. Si Nei ay isang kilala, iginagalang at siyentipikong nanalo ng parangal na ang gawa ay malawakang ginagamit sa henetika ng populasyon. Ang kanyang aklat na Mutation Driven Evolution ay nagpapakita kung paano ang pagbabago sa Biyolohiyang molekular ay hinahamon Darwiniyanong mga hula at kung paano ang isang bagong alternatibo ay gumana.
SYMBIOTIC EVOLUTION
Ang ideya na ang likas na pagpili ay nilikha ang lahat ng pagkakaiba-iba ng buhay ay palaging may pagsalungat mula sa ilang mga bahagi sa mga siyensiyang pambiyolohika. Ang ilan sa mga pinaka-tinig na kamakailang mga pagpuna ay nagmula kay Lynn Margulis. Si Margulis ay isang prestihiyoso at award winning na biologist, ang kanyang teorya ng Endosymbiosis ang nagdala sa kanya upang matanggap niya ang National Medal of Science ni Bill Clinton noong 1999. Kasalukuyan, ang Endosymbiosis ay kabilang sa bawat aklat ng biolohiya ng mga antas ng pamantasan. Gayunpaman, ang hindi gaanong kilala ay siya’y nagpakilala ng isang kumpletong alternatibo sa Darwinian Ebolusyon, Symbiotic Evolution. Ang Symbiotic Evolution ay isang kumpletong u-turn sa Darwinismo, inaangkin nito na ang buhay sa planeta ay nangyari sa pamamagitan ng paglilinaw at kooperasyon hindi sa pamamagitan ng palakasan at kumpetisyon. Ipinaliwanag ni Margulis kung bakit ang kanyang teorya ay isang buhay na alternatibo sa kanyang aklat na Acquiring genomes, A Theory of the origin of Species.
Kung ang Darwinian Ebolusyon ay isang katotohanan kaysa, mga alternatibo na ito, ang mga Biyolohiya na sumusuporta sa kanila, at ang mga pamantasang naglathala sa kanila ay hindi iiral ngunit nagawa nila. May malinaw na hindi pagkakasundo sa pamayanang pambiyolohika tungkol sa pinakamahalagang bahagi ng teorya ni Darwin, ang hindi pagkakasundo ay hindi sa mga Biyolohiya na may relihiyosong pagkiling laban sa Darwinismo, sa katunayan, ang bawat isa sa mga may-akda sa itaas na nagmungkahi ng mga alternatibong ito ay mga Ateyista.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa sekular na akademiko na humahamon sa Darwinian teorya, mangyaring sumangguni sa proyekto na Third Way of Evolution. Kasama sa proyektong ito ang mga Biyolohiya mula sa Hilagang Amerika, Europa at hanggang sa Tsina, ang ilan sa mga prestihiyosong pamantasan na pinagmulan ng mga Biyolohiya na ito ay kinabibilangan ng Oxford, Cambridge, Princeton, Harvard at MIT.
PARA SAAN ANG LAHAT NG MGA PATALASTAS NA ITO?
Ang susunod na tanong na dapat na sagutin ay kung bakit napakaraming retorika tungkol sa katiyakan tungkol sa ebolusyon ng Darwinian. Inihambing ito sa pagiging totoo tulad ng grabidad na malinaw naman na hindi. Ang dahilan ay medyo kawili-wili, ang Darwinian Ebolusyon ay nagsimula bilang isang Agham at nananatili pa rin ngunit ang ilan ay naging isang relihiyon. Sa Blind Watchmaker, si Richard Dawkins ay nagpaliwanag na pinahintulutan ni Darwin ang mga Ateyista na maging mga intelektuwal na katuparan. Kung ang teorya ni Darwin ay totoo sa ganap na kahulugan, kung gayon, ang lahat ng maliwanag na disenyo ay isang ilusyon lamang, walang tunay na disenyo sa likod ng kalikasan. Ito ang dahilan kung bakit ginamit ng Ateyistang Darwin ang teorya upang suportahan ang kanilang pananaw sa mundo. Si Julian Huxley ay isang mahalagang ebolusyonaryong Biyolohiya at isang aktibistang Ateyista, siya ang unang pormal na gawin ang teorya ni Darwin sa isang relihiyon na tinawag na “Ebolusyonaryong Humanismo”, itinuring niya itong isang ‘Relihiyong walang Rebelasyon’ . Ang Mananalaysay at Pilosopo ng Agham na si Michal Ruse ay naglathala ng isang aklat na tinatawag na ‘Darwinism as Religion’. Si Ruse ay isang Ateyista at isang Darwinista at ipinakita niya kung paano ginamit ang teorya ni Darwin mula sa mga nauna nitong mga araw upang gumawa ng isang sekular na relihiyon upang mapalitan ang Kristiyanidad. Ang aspeto ng Darwinismo na ito ang dahilan kung bakit ang popularisasyon ng teoryang ito ay nag-angkin ng katiyakan.
ANG BUOD
Walang teoryang Siyentipiko ang maaaring maging ganap, tiyak at hindi mababago. Dahil ang Agham ay hindi gumagana sa ganitong paraan, ang mga siyentipiko ay laging makakakuha ng bagong datos na hahamon sa kanilang mga nakaraang teorya, maaari rin silang palaging gumawa ng mga alternatibong teorya. Kahit na matagumpay ang isang teorya ay hindi nangangahulugang ito ay totoo sa isang ganap na diwa. Pag-isipan ang tungkol sa Newtonian Physics, gumana ito ng maayos sa loob ng 200 taon, at nagawa nito ang mga hula na kalaunan ay nakumpirma, hinamon ni Einstein ang mga pananaw na ito at siya ay nagbigay ng magagandang mga rason na kahit gumana nga ang mga mekanismong Newtonian ngunit ang mga pagpapalagay nito ay mali. Hindi ibig sabihin na ang isang bagay ay gumagana ay nangangahulugan na ito ay tama.
Ang Ebolusyon ay nangangahulugan lamang ng pagbabagong pambiyolohika sa paglipas ng panahon at ito ay kilala at mahusay na na-dokumentado bago pa man si Darwin. Ang Darwinian Ebolusyon ay pang-teorya lamang at ito ay Kuro-kuro, batay sa mga pagpapalagay, at may mga hindi pagkakaunawaan tungkol sa mga pangunahing ideya nito sa pagitan ng mga sekular na akademiko.
Ang Darwinian Ebolusyon ay isa pa ring tanggap na gumaganang modelo, teorya at pamantayan at walang mali sa paggamit nito, at sa parehong oras ito’y hindi tinatanggap na literal na tama, ito ang dapat gawin ng sinumang mapangangatwiran na tao sa anumang teoryang pang-agham. Kahit na ang pinaka-mabangis na kritiko ng Darwinismo ay maaaring sumang-ayon sa pragmatikong pamamaraan na ito. Ang Pilosopo ng Agham na si David Stove, kahit na siya ay isang Ateyista ay naniniwala na ang Darwinismo ay may mga malubhang mga kamalian. Sinulat niya ang ‘Darwinian Fairytales’ upang sawayin ang mga nagsasabing totoo ito ngunit inamin niya sa parehong aklat na ang Darwinian Ebolusyon kahit na hindi totoo ay pinakamahusay pa rin na modelo na mayroon tayo sa ebolusyanaryong biyolohiya.
Para sa karagdagang impormasyon mangyaring tingnan ang publikasyon: Failed Hypothesis: Islam, The Quran and Science