This post is also available in: English (English) Español (Spanish) Português (Portuguese, Portugal) Română (Romanian) Deutsch (German) Swahili (Swahili)
Napag-isipan mo na ba kung ano talaga ang pagmamahal? Maglaan ng sandali upang isipin ang tungkol dito.
Ito ay hindi madaling tukuyin. Isang makata ang minsang sumulat na kapag ang panulat ay ilalagay sa papel at magsulat tungkol sa pagmamahal, ito ay nahahati sa dalawa. Kapag ating susubukan at ipadarama ang ating pagmamahal, ating matatagpuan itong napakahirap hanapan ng tamang mga salita. Ang mga pahiwatig na ginagamit natin ay hindi ganap na kumakatawan sa kung ano ang nagliliyab sa kaibuturan ng ating mga puso. Ito ang maaaring magpaliwanag kung bakit iniuugnay natin ang pagmamahal sa mga pagkilos at hindi lamang sa mga salita.
Tayo ay nagyayakapan sa isa’t-isa, binibilihan ang ating mga mahal sa buhay ng mga regalo at hinahalikan ang ating mga anak. Ang pagmamahal ay tunay na isang makapangyarihan, natatangi at hindi mapaglabanang pakiramdam. Ating minamahal ang isang bagay o isang tao dahil nagagawa nila tayong maramdaman ang kabutihan. Maraming mga tao ang nagmamahal sa iba dahil sa kanilang nagawa para sa kanila. Halimbawa, ang mga tao ay minamahal ang kanilang mga magulang dahil sa kanilang nagawa para sa kanila. Sila ay nag-alaga, nagpalaki at nagtustos para sa atin. Ito ay humahantong sa mga damdamin ng pasasalamat at pagmamahal.
Mula rito, ating makikita na ang tiyak na pagmamahal na yaon, sa isang bahagi, ay nagmumula sa isang malalim at masidhing pakiramdam ng pasasalamat. Ang damdaming yaon ang nagdadala sa atin upang gantihan at ibalik ang pabor. Tayo ay maaari ding mahalin ang isang tao hindi dahil may nagawa sila para sa atin, ngunit sa halip dahil ang kanilang pinaka-kalikasan ay gayong nagdadala sa ating mahalin sila.
Ang isang halimbawa nito ay mga nakapagpapasiglang makasaysayang mga tauhan. Bagama’t tayo ay maaaring hindi maging tuwirang mga makikinabang ng ilang bagay sa kanilang ginawa, ang kanilang mga pinaka-katangian, tulad ng katapangan, pagkamapagbigay, at pagkamalikhain ay nagdadala sa ating mahalin sila.
Ang Mahalin ang Diyos
Nakalulungkot man, ay maaari mong mahalin ang isang tao na nawalan ng pagmamahal para sa iyo o hindi kailanman ka minahal sa simula pa lamang.
Ito ay maaaring maging lubhang masakit at nakagagambala. Ngunit may isang pagmamahal na hindi ganoon. Isang pagmamahal na ganap na natatangi; yaon ang pagmamahal ng Diyos. Ang Diyos ay ninanais sa ating hanapin ang Kanyang pagmamahal. Para sa kanilang mga tumatahak sa paglalakbay na yaon, ang Diyos ay tiyak na minamahal sila pabalik.
Ikaw ay maaaring tunay na maging isang minamahal ng Diyos, at ang isang tanda ng pagmamahal na yaon ay binabasa mo ito ngayon! Ang isa sa mga pangalan ng Diyos ay ‘Ang Pinaka-Mapagmahal’; Siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagmamahal. Ang Kanyang pagmamahal ay mas malaki kaysa sa anumang makamundong pagmamahal na ating nararanasan.
Ito ay dapat na magtanim sa atin ng isang malalim na paghahangad para sa Kanyang pagmamahal, dahil ito ang pinaka-dakilang regalo na sinuman ay maaaring matanggap kailanman. Ang pagmamahal ng Diyos ay isang mapagkukunan ng panloob na katahimikan, kapayapaan, at walang hanggang kaligayahan sa kabilang-buhay.
“Yaong mga may pananampalataya at ang kanilang mga puso ay payapa sa pamamagitan ng pag-alala sa Diyos – katotohanan, sa pag-alala sa Diyos na ang mga puso ay natatagpuan ang kapayapaan.” Ang Qur’an, Kabanata 13, Talata 28.
Ang pagmamahal ng Diyos ay nakahihigit sa lahat ng uri ng pagmamahal, kabilang ang pagmamahal ng isang ina. Ang pagmamahal ng ina, bagama’t hindi makasarili, ay batay sa kanyang panloob na pangangailangan upang mahalin ang kanyang anak. Ito ay lumulubos sa kanya, at sa pamamagitan ng kanyang mga sakripisyo, kanyang nararamdaman ang kabuuan at katuparan. Ngunit kapag ating pag-uusapan ang tungkol sa pagmamahal ng Diyos, ang Diyos ay isang natatanging umiiral na sapat sa sarili at perpekto. Hindi Siya nangangailangan ng anuman, ni ang Kanyang pagmamahal batay sa isang pangangailangan o pagnanais; ito samakatuwid ay ang dalisay na uri ng pagmamahal.
Ang Landas sa Pagmamahal
Ang Diyos ang pinaka-mapagmahal na Umiiral, at Kanyang nais na mahalin ka ng Kanyang natatanging pagmamahal.
Ngunit, upang lubos na mayakap ang pagmamahal na yaon, at upang yaon ay maging makabuluhan, kailangan mong mahalin Siya at sundin ang landas na magdadala sa Kanyang pagmamahal. Ang pagmamahal ay ipinahahayag sa mga pagkilos; ang isang taong nagmamahal sa iyo ay magpapakita ng kanilang pagmamahal. Ang isang malinaw na tanda na mahal mo ang Diyos ay kanya mo Siyang gawing tanging nag-iisang iyong sinasamba. Sa Islam, ang pagsamba ay isang komprehensibong katagang tumutukoy sa pagkilala sa Diyos, pagmamahal sa Diyos, pagsunod at pagpapasakop sa Kanya at pag-iisa sa lahat ng mga pagkilos para sa Kanya lamang. Anumang kabutihan na ating ginagawa ay maaaring maging isang gawang pagsamba, maging ito ay pagpupuri sa Diyos, pagiging mabuti sa ating mga magulang at pamilya, pagninilay sa kalikasan, pagbibigay ng kawanggawa, pag-aayuno, pag-ngiti, paghahanap ng mga medikal na lunas, o maging pag-iisip ng mabuting mga kaisipan tungkol sa Diyos at pagpapatawad sa pagkakamali ng mga tao. Ang lahat ng mga ito ay itinuturing na pagsamba, kung ang mga ito ay ginagawa para sa kapakanan ng Diyos.
“At ang inyong Diyos ay ang nag-iisang Diyos: walang ibang diyos maliban sa Kanya, ang Panginoon ng Awa, ang Tagapagbigay ng Awa. Sa pagkakalikha ng mga Kalangitan at mga Kalupaan; at sa pagsasalitan ng gabi at ng araw; at sa mga sasakyang-dagat na naglalayag sa karagatan na may dalang mga pakinabang para sa mga tao; ang tubig na ipinadala pababa mula sa langit upang magbigay-buhay sa lupa nang ito ay natigang, at sa lahat ng uri ng mga nilikhang gumagala na Kanyang ikinalat doon; at sa pagbabago ng mga hangin at ng mga ulap na sunud-sunuran sa Kanyang kautusan sa pagitan ng kalangitan at ng kalupaan; naririto ang mga palatandaan para sa lahat ng ito para sa mga taong nakauunawa; Magkagayon, may ilang mga mas piniling magtambal sa iba bukod sa Diyos bilang Kanyang mga kapantay, kanilang minamahal ang mga ito tulad ng kanilang pagmamahal sa Diyos, ngunit, yaong mga tunay na naniniwala ay higit na masidhi ang kanilang pagmamahal sa Diyos.” Ang Qur’an, Kabanata 2, Talata 163 – 165
Ang pag-alam ng malawak na saklaw sa kagandahang-loob at awa ng Diyos ay gagawa sa ating maging mapagpasalamat na mga lingkod. Sa pasasalamat ay darating ang pagmamahal, at habang tayo ay papalapit sa Diyos, Siya din ay napapalapit sa atin. Mararamdaman mo ang piling ng Kanyang awa at kapatawaran, at mararanasan ang katotohanan ng Kanyang pagmamahal sapagkat kapag inaalala mo ang Diyos, naaalala ka Niya. Sa gayon, ang alipin ay minamahal ang Kanyang Panginoon at ang Panginoon ay minamahal ang Kanyang alipin.
“Ang Diyos, ang Kataas-taasan, ay nagsabi, ‘Ako ay tulad ng inaasahan ng Aking lingkod kung ano Ako. Ako ay kasama niya kapag binanggit niya Ako. Kung binanggit Niya ako sa kanyang sarili, Aking binabanggit siya sa Aking Sarili; at kung binanggit niya Ako sa isang kapulungan, Aking binabanggit siya sa isang kapulungan na mas dakila kaysa rito. Kung lalapit siya sa Akin sa agwat ng isang dangkal, lalapit Ako sa kanya sa agwat ng isang braso. Kapag lalapit siya sa Akin nang naglalakad, lalapit ako sa kanya nang tumatakbo.” Propeta Muhammad (ang kapayapaan ay sumakanya)
Sa Islam, ang sambahin ang Diyos ay nangangahulugan din na tinatanggap natin na wala ni anuman na nakikibahagi sa malikhaing kapangyarihan at kakayahan ng Diyos. At pinatutunayan natin na ang Kanyang mga pangalan at katangian ay natatangi sa Kanya. Ang lahat ng mga gawang pagsamba ay ukol at itinutuon sa Kanya lamang. Lahat ng papuri ay para sa Kanya at Siya lamang ang dapat tawagan kapag ating kailangan ang tulong.
“Ang papuri ay ukol sa Diyos, Panginoon ng mga Daigdig, ang Panginoon ng Awa, ang Tagapagbigay ng Awa, Panginoon ng Araw ng Paghuhukom. Ikaw ang aming sinasamba; Ikaw ang hinihingian ng tulong. Gabayan kami sa matuwid na landas: ang landas ng mga pinagpala Mo, hindi ang mga nagkamit ng Iyong galit at mga nangaligaw.” Ang Qur’an, Kabanata 1 Talata 2-7
Ang mga pangalan at katangian ng Diyos ay walang kakulangan o kapintasan. Siya ay walang mga anak na lalaki ni babae, at wala rin Siyang ama o ina. Siya ay hindi kailanman ipinanganak, at Siya ay hindi kailanman mamamatay. Siya ay natatangi at walang katulad sa Kanyang nilikha o tulad ng anumang ating maiisip. Siya ay walang kapantay at sukdulang perpekto.
Sabihin mo, ‘Siya ang Diyos na Nag-iisa, Diyos na walang hanggan. Hindi siya nagka-anak ng sinuman ni maging Siya ay ipinanganak. Walang sinumang maihahambing sa Kanya.’ Ang Qur’an, Kabanata 112, Talata 1-4
Isang Tanda ng Pagmamahal
Ang isang tanda ng ating pagmamahal ay nasa ating ginagawa. Ang pagmamahal sa Diyos ay hindi lamang isang pahayag; ito ay pinatutunayan at ipinapahayag sa kung paano tayo kumikilos, at kung paano tayo nagiging tayo.
Ang pagsamba sa Diyos ang pinaka-mataas na pagpapahayag ng ating pagmamahal sa Kanya. Mayroong tatlong mga kadahilanan na dapat mahimok ang sinumang makatwirang tao upang sambahin ang kanyang Panginoon nang buong puso, kaluluwa, lakas at pag-iisip.
Ang Kalikasan ng Diyos
Ang Diyos, sa kahulugan, ay ang Siyang karapat-dapat ng ating pagsamba; ito ay isang kinakailangang katotohanan ng Kanyang sariling pag-iral. Pinupuri natin ang mga tao sa lahat ng oras sa pamamagitan ng kabutihan ng kanilang mga katangian, kahit na hindi tayo tuwirang nakikinabang sa kanila sa anumang paraan. Isaalang-alang ang ating pagpuri o paghanga para sa mga sikat sa palakasan, artista at siyentipiko. Gayunpaman, hindi katulad ng mga tao, ang mga pangalan at katangian ng Diyos ay perpekto. Nangangahulugan ito na ang Diyos ay karapat-dapat sa ating lubos na papuri. Ang Diyos ang Siyang dapat nating katakutan, at ang Kanyang kadakilaan ay dapat makuha ang ating pansin.
Tayo ay lumalaki sa ating kaalaman ng Kanyang dakilang kalikasan sa pamamagitan ng pagtingin sa kalikasan; lahat ng mga dakilang nabubuhay sa lupa, dagat at hangin ay nilikha Niya. Ang lahat sa malawak na sansinukob na ito ay isang maliit na bahagi lamang ng Kanyang buong paglikha!
‘Hindi mo ba napag-isipan kung paano ipinadadala ng Diyos ang tubig mula sa langit at Kami ay gumagawa mula dito ng mga bunga ng iba’t ibang kulay; na mayroon sa mga patong ng bundok na puti at pula ng iba’t ibang mga kulay, at itim; na may iba’t ibang kulay sa mga tao, mababangis na hayop, at pangkalakal din? Nasa Kanyang mga tagapaglingkod na may kaalaman na naninindigan sa tunay na pagkatakot sa Diyos. Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat, ang pinaka-mapagpatawad”. Ang Qur’an, Kabanata 35, Talata 27-28
Ang isang mahalagang punto tungkol sa pagsamba sa Diyos ay ito ang Kanyang karapatan, kahit na hindi tayo nakatatanggap ng anumang uri ng kaginhawaan. Ang pagsamba sa Diyos ay hindi tulad ng isang negosyo, kung saan binibigyan Niya tayo ng mga pagpapala at sinasamba natin Siya bilang kapalit. Hindi ganito! Siya ay sinasamba dahil sa kung sino Siya, at hindi kailangan kung papaano Siya nagpasya na ipamahagi ang Kanyang pagpapala.
“Diyos! Walang ibang dapat sambahin kundi Siya, ang Laging-Buhay, Ang Tagapagtustos ng lahat.” Ang Qur’an, Kabanata 2, Talata 255
Ang Pagpapala ng Diyos
Kung tayo ay tunay na magninilay dito, dapat tayong walang hanggang magpasalamat sa Diyos, sapagkat hindi maaari kailanman nating sapat na makapagpapasalamat sa Kanya sa lahat ng mga biyayang Kanyang ibinigay sa atin. Ang bawat isang bagay na mayroon tayo sa ating mga buhay, bawat isang bagay na ating minamahal sa ating mga puso, ay nagmula sa Kanya; mula sa ating kakayahang huminga, hanggang sa mga mahal sa buhay na nilikha Niya sa loob ng ating buhay. Isipin lamang ang tungkol sa isa sa mga biyayang ito: ang puso ng tao.
Ang puso ng tao ay tumitibok ng mga 100,000 beses sa isang araw. Ang bawat tibok ng puso ay mahalaga sa atin. Ang sinuman sa atin ay maaaring magsakripisyo ng isang bundok na ginto upang matiyak na ang ating mga puso ay gumana nang maayos upang mapanatili tayong buhay. Tiyak na dapat tayong mapagpasalamat sa Diyos sa bawat pagtibok na nagpapanatili sa ating buhay. Mula sa pananaw na ito, ang anumang bagay bukod sa tibok ng puso ay isang karagdagan. Isipin ang napaka-laking pasasalamat na dapat nating ipahayag para sa lahat ng iba pang mga biyayang ibinigay ng Diyos sa atin.
“Ang Diyos ay naglabas sa iyo mula sa sinapupunan ng iyong ina na walang alam, at binigyan ka ng pandinig at paningin at puso, upang ikaw ay maging mapagpasalamat.” Ang Qur’an, Kabanata 16, Talata 78
Ang Ating Pag-asa
Nilikha ng Diyos ang lahat. Patuloy Niyang tinutustusan ang buong kosmos at nagbibigay para sa atin mula sa Kanyang biyaya. Ang Qur’an ay ipinagpapatuloy ang konseptong ito sa iba’t ibang paraan, na nagpapalabas ng diwa ng pagkatakot sa puso ng mambabasa:
‘O sangkatauhan, kayo ang siyang tumatayong nangangailangan sa Diyos – ang Diyos ay walang pangangailangan at karapat-dapat sa lahat ng papuri.” Ang Qur’an, Kabanata 35,Talata 15
Yamang ang Diyos ay nilikha tayo, ang ating pinaka-pag-iral ay umaasa lamang sa Kanya. Hindi tayo sapat sa sarili, kahit na ang ilan sa atin ay hibang na nag-iisip nang ganyan. Nabubuhay man tayo ng isang buhay sa layaw at kagaangan, o sa kahirapan at pagdurusa, tayo sa sukdulan ay umaasa sa Diyos. Walang anuman sa sansinukob na ito ang mangyayari nang wala Siya at anumang mangyari, ito ay dahil sa Kanyang kalooban.
Kahit na ang ating tagumpay sa negosyo o ang mga maiinam na bagay na maaari nating makamit, ang lahat ng mga ito ay sukdulang dahil sa Diyos. Nilikha Niya ang mga sanhi sa sansinukob na ginamit natin upang makamit ang tagumpay, at kung hindi Niya loloobin ang ating tagumpay, ito ay hindi mangyayari.
Ang pag-unawa sa ating sukdulang pag-asa sa Diyos ay dapat magdulot ng napakalawak na diwa ng pasasalamat at kababaang-loob sa ating mga puso. Ang pagpapakumbaba sa ating sarili sa harap ng Diyos at ang pagpapasalamat sa Kanya ay isang anyo ng pagsamba.
“O sangkatauhan, alalahanin ang pabor ng Diyos sa inyo. May iba pa bang tagapaglikha bukod sa Diyos na nagbibigay para sa inyo mula sa Kalangitan at Kalupaan? Walang Diyos maliban sa Kanya, kaya paano kayo nalinlang?” Ang Qur’an, Kabanata 35, Talata 3
Ang Makatagpo ang Ating Pinakamamahal
Ang pagmamahal sa Diyos ay sentro ng mga aral sa Islam. Ito ang pinakadiwa ng lahat ng ginagawa ng isang Muslim.
Ang pagmamahal ng Diyos ay hindi talaga maipapaliwanag o mapangangatwiranan; ito ay dapat maranasan. Ang pagmamahal ay isang bagay ng puso, hindi ng isip. Ang buhay ay napaka-ikli at mahalaga upang maabala sa mga bagay maliban sa paghahanap ng pagmamahal ng Diyos, sapagkat sa katapusan ng ating buhay ay ating makakatagpo ang Diyos sa paraang Kanyang minamahal sa atin, dahil tayo ay naniwala at sumunod sa Kanya, o sa paraang maaari tayong kapootan sapagkat tayo ay hindi naniwala sa Kanya at hindi sinunod ang Kanyang landas.
“Sinumang nagmamahal na makatagpo ang Diyos, ang Diyos ay nagmamahal na makatagpo siya, at sinumang nasusuklam na makatagpo ang Diyos, ang Diyos ay nasusuklam na makatagpo siya.” Propeta Muhammad (ang kapayapaan ay sumakanya)
Ating ipagkumbaba ang ating mga puso at tapat na humingi ng patnubay mula sa Diyos. Ito ang tiyak na landas sa Kanyang pagmamahal at sa walang hanggang tagumpay. Ang Diyos mismo ang nagpahayag na Siya ang Pinaka-maawain at ang mga naniwala, sumamba sa Kanya at gumawa ng mabuti, ay Kanyang babalutin sila sa Kanyang pagmamahal.
“At sa mga naniwala at gunawa ng mabuti, ang Pinaka-maawain ay tiyak na pagpapalain sila ng pagmamahal.” Ang Qur’an, Kabanata 19, Talata 96
Tanging ang mga matatapat na sumusunod sa patnubay ng Diyos ang karapat-dapat sa Kanyang pagmamahal. Ito ay ganap na may katuturan. Ang Diyos ay hindi nagmamahal sa isang tao dahil sa kanilang kayamanan, kagandahan, kamag-anakan, kalakasan, katatasan, katalinuhan, lahi o kasarian. Sa halip, ang Diyos ay minamahal ang mga may pinaka-pagkatakot sa Kanya.
“Sabihin (O Muhammad, sa sangkatauhan), ‘kung minamahal niyo ang Diyos, magkagayon ay sundin niyo ako, at ang Diyos ay mamahalin kayo at patatawarin kayo sa inyong mga kasalanan; Ang Diyos, ang Pinaka-maawain,’” Ang Qur’an, Kabanata 3, Talata 31
Ang Diyos ay ipinakita sa atin ang paraan upang makamit ang Kanyang pagmamahal – na sundin ang landas ng Kanyang mga propeta at mga sugo, na Kanyang ipinadala sa mga henerasyon ng sangkatauhan. Lahat sila ay nanawagan sa kanilang mga mamamayan upang magkaroon ng kaugnayang yaon sa Diyos.
Kinabibilangan nito si Adan, Noe, Abraham, Moises, Hesus at ang huling sugo, si Muhammad (ang kapayapaan ay sumakanilang lahat). Sila ang ating mga gabay upang mahalin ang Diyos.
Ang mga Muslim ay minamahal si Muhammad (ang kapayapaan ay sumakanya), dahil ipinakita niya sa atin kung papaano magka-ugnay sa Diyos. Ang Kanyang mensahe ay payak: mahalin ang Diyos ng higit sa lahat at itangi Siya para sa lahat ng pagsamba, sundin ang Kanyang patnubay at gumawa ng mabuti. Kaya kung nais mong makatagpo ang Diyos, kailangan mo munang ituwid ang iyong puso upang walang higit na mas mahalaga sa iyong buhay kundi Siya. Isang lalaki ang minsang nagtanong sa Propeta Muhammad (ang kapayapaan ay sumakanya) tungkol sa Oras, ang Araw ng Paghuhukom. Ito ang araw na ang Diyos ay hahatulan kung sino ang mapupunta sa paraiso at sino ang mapupunta sa impiyerno, batay sa kanilang mga gawa.
Ang lalaki ay nagtanong “Kailan darating ang Oras?” Ang Propeta Muhammad ay nagsabi, “Ano ang naihanda mo para dito?” Ang lalaki ay nagsabi, “Wala, maliban sa minahal ko ang Diyos at ang Kanyang Sugo.” Ang Propeta ay nagsabi, “Ikaw ay makakasama ang iyong mga minamahal.” Propeta Muhammad (ang kapayapaan ay sumakanya)
Bakit hindi humiling sa patnubay ng Diyos? Katiyakan na ang Diyos ay pinapatnubayan ang sinumang tapat at nais magbalik sa Kanya.