This post is also available in: 简体中文 (Chinese (Simplified)) English (English) Français (French) Español (Spanish) Português (Portuguese, Portugal) Română (Romanian) Deutsch (German) Swahili (Swahili)
Ipagpalagay na natagpuan mo ang iyong sariling nakakulong sa isang kakatwang lugar. Nakakulong ka ng mga ilang linggo na.
Isang araw, may dalawang bantay ang nagpunta sa iyong selda. Kasama nila ang isang lalaking naka-amerikana at may bitbit na kulay kayumangging portpolyo. Sila ay nakatayo sa harapan ng pintuan ng iyong selda. Ang lalaking naka-amerikana ay naglabas ng isang papel mula sa kanyang portpolyo. Tinawag niya ang pangalan mo, at ibinigay niya sa iyo ang papel. Ganito ang mababasa:
Sa loob ng isang oras mula sa pagbasa nito, ikaw ay mamamatay. Maaring ito ay mahigit o kumulang pa sa isang oras, subalit kapag natapos na ang oras mo ay hindi ka na makaliligtas sa kaparusahan, sa Kamatayan! Wala pang sinuman ang nakaligtas sa kaparusahang ito maliban sa isang paraan. Sila yaong nagampanan ang isang simpleng gawain. Kapag nagawa mo ang gawaing ito ikaw ay mabubuhay. Hindi ka lamang mabubuhay kundi ang iyong buhay ay hindi lubos maisip na iinam kaysa sa kung ano ang nasa kasalukuyan. Ang gawaing ito ay hindi gugugol ng hihigit sa limang minuto ng isang oras na nalalabi sa iyo. Ang gawain ay tawagan ang iyong ina at sabihing siya lamang ang kaisa-isang ina na mayroon ka, at ikaw ay nagpapahalaga at nagpapasalamat sa lahat ng ginawa niya sa iyo, at hilingin mo sa kanyang patawarin ka niya sa lahat ng iyong mga nagawang ikinagalit niya. Ito na yaon. Ikaw ay bibigyan ng smartphone. Ang numero ng iyong ina ay nakalagay na dito at ang gagawin mo lamang ay buksan ito, hanapin ang numero niya at tawagan siya. Mayroon ka lamang isang oras.
Pagkatapos mong basahin ay tumingala ka. Ang lalaking naka-amerikana ay ibinigay sa iyo ng smartphone at umalis kasama ng mga bantay. Ano ang gagawin mo?
Maaaring makinita mo ito, subalit ang hindi sinabi sa iyo ay ang teleponong ito ay konektado sa iyong mga ‘text message’ at mga ‘social media accounts, at nang binuksan mo ito, ang e-mail, text at mga notipikasyon ng social media ay nagsimulang maglabasan sa iskrin, pati na ang mensahe ng iyong abogado na nagsasabi sa iyo na kaya ka niyang ilabas.
Nang hindi mo namamalayan ay sinisimulan mo na tingnan ang mga mensahe, binabasa at pagkatapos ay sinasagot mo ang mga ito! Ang gumagambala ay daglian, subalit nakapagpapatagal. Sa likuran ng iyong isipan ay naalaala mo na may isang oras ka lamang, subalit sinasabi mo sa iyong sarili na marami ka pang oras. Pagkaraan ng kalahating oras, ang bantay ay dumating. “Nagawa mo na ba ang gawain?” tanong niya.
Ikaw ay tumingala nang nalilito, halos hindi maalala kung bakit ka nga ba binigyan ng smartphone sa umpisa. Ang bantay ay umalis at ang mga tawag ay nagsimulang dumating mula sa iyong abogado. Sinagot mo. Nangako siya na kaya ka niyang ilabas, at sinasabi din niya sa iyo na ang maliit na pamumuhunan mo sa kanya ay kumikita ng malaking halaga ng salapi.
Ang lahat ay pinag-uusapan kung gaano ka na kayaman, at tiyak na walang magtatangkang gumawa nang anuman sa iyo, ang iyong halaga ay higit pa sa pagiging buhay… pagkatapos ay narinig mo ang paparating na mga yabag… tumingala ka at nandoon na naman ang mga bantay. Anim na sila sa pagkakataong ito, na nakadamit ng itim. May hawak silang mabibigat na mga kadena…
Natapos na ang oras!
Ito ang halimbawa ng buhay sa mundong ito. Ang iyong buhay, gaano man kahaba, ay kung tutuusin ay para lamang isang oras ng isang araw. Isang sandali. Sa sandaling ito ng iyong buhay ay mayroon kang simpleng gawain. Kumilala na may nag-iisang Diyos lamang. Ang pagsasagawa nito ay likas at makatwiran at karaniwan. Sa kaibuturan ay nalalaman mong mayroong dakila, marunong at makapangyarihang umiiral na lumikha sa iyo at sa buong sanlibutan at Siya ang tagatustos at tagapangalaga ng lahat ng mga bagay. Kilalanin ang Kanyang mga pagpapala at hilingin mo ang Kanyang kapatawaran.
Pasalamatan Siya at Siya lamang. Sambahin Siya nang nag-iisa at huwag magtambal sa Kanya. Hindi ito kukuha ng maraming oras sa iyong buhay kung gagawin ito. Hindi talaga maraming oras. Tulad ng limang minuto ng isang oras sa iyong buhay. Kung gagawin mo ito ay makakamtan mo ang walang hanggang buhay ng kaligayahan, ang Paraiso. Lugar ng ganap na kapayapaan, kaligayahan at kasiyahan kung saan ang lahat ng iyong pinapangarap at inaasam ay naroroon at higit pa. Mga bagay na kahit ang iyong puso ay hindi lubos madama, at hindi rin lubos maisip ng iyong pag-iisp. Hindi ka na kailanman tatanda at mapapagod o mababagot o magugutom o mauuhaw o labis na maiinitan o labis na malalamigan. Ang bawat sandali sa lugar na yaon ay mas mainam kaysa sa mga sandaling nauna rito.
… subalit ang buhay sa mundo ay gumagambala sa iyo.
Ito ay gumagambala sa iyo hanggang sa sandaling ang oras mo ay natapos na, na sa pagkakataong yaon ay huli na! Katotohanan, kapag ikaw ay nasa libingan na, malalaman mo nang may ganap na katiyakan ang realidad na ang buhay na ito ay gumambala sa iyo, na ang buhay na ito ay pagsubok lamang. Na ang pagpasa sa pagsubok na ito ay kinailangan ng isang hindi kapani-paniwalang simpleng bagay, magaan at karaniwan.
Na sumaksing may isang tunay na pinagmumulan ng tagumpay at kaligayahan; ang Tagapaglikha, na Siyang walang kapantay at karibal. Na humingi sa iyong Tagapaglikha ng kapatawaran sa iyong mga pagkakamali at maging mapagpasalamat sa pamamagitan ng pagsisikap isabuhay ang iyong buhay ayon sa gabay na Kanyang ipinadala.
… subalit ang buhay sa mundo ay gumambala sa iyo.
Ang kamatayan ay realidad na darating sa ating lahat. Ito ay ganap na katiyakan. Hindi mo ito matatakasan.
Ang mayaman at mahirap, malusog at may karamdaman, bata at matanda, lalaki at babae, maitim at maputi, mula sa Silangan o Kanluran, ang kamatayan ay darating sa kanilang lahat. Kaya’t anong naihanda mo sa buhay na darating? Ano ang nagawa mo upang mailigtas ang iyong sarili mula sa panganib at pagsubok?
Sa palagay mo ba na talagang ikaw ay pababayaan at hindi pananagutin sa lahat ng iyong mga ginawa at sa lahat ng mga hindi mo ginawa? Hindi, katiyakang ikaw ay tatanungin. Bawat ga-atomong bigat ng kabutihan at bawat ga-atomong bigat ng kasamaan ay ilalantad sa araw na ito na walang kaduda-duda.
Ito ang Araw ng Pananagutan. Ang Araw ng Pagtutuos. Ang Araw ng Paghuhukom. Bawat pang-aapi at bawat pagkakamali ay itatama, at ikaw ay papakitaan ng iyong talaan ng mga gawa. Sinumang ang timbangan ay mabigat sa kabutihan ay pupunta sa Hardin ng mga Kaginhawaan.
Sinuman ang timbangan ng mga gawa ay mabigat sa kasamaan, para sa kanila ay naglalagablab na apoy ng walang katapusang dalamhati at paghihirap na kung saan ang mga naninirahan rito ay hindi mabubuhay o mamatay, paghihirap na titindi lamang ng walang katapusan. Ang kamatayan ay lalapit sa kanila sa lahat ng direksiyon, subalit hindi sila mamamatay.
“Itanim sa pag-iisip na ang kasalukuyang buhay ay laro lamang, panlilinlang, pang-akit, dahilan ng pagmamalaki sa pagitan ninyo, at paligsahan sa kayamanan at mga anak. Ito ay tulad ng mga halaman na sumisibol pagkatapos ng ulan: ang paglago nito sa una ay nagpapaligaya sa mga nagtanim, subalit makikita mo ang mga itong malalanta, maninilaw, at magiging dayami. May matinding kaparusahan sa kabilang buhay at gayundin ay may kapatawaran at kapahintulutang galing sa Diyos; ang buhay sa mundong ito ay isa lamang huwad na kaligayahan. Ang Qur’an 57 talata 20.
Mag-isip.
Saan mo nais gugulin ang iyong walang hanggan?
Ang Araw ng Paghuhukom ay katotohanan.
Ang Impyernong Apoy ay katotohanan.
Ang Paraiso ay katotohanan.
Ito ay ganap na katotohanan.
…subalit ang buhay sa mundo ay gumambala sa iyo!