This post is also available in: 简体中文 (Chinese (Simplified)) English (English) Español (Spanish) Português (Portuguese, Portugal) Română (Romanian) Deutsch (German) Swahili (Swahili)
“Paumanhin ako ay abala, wala akong panahon!” Ito ay isa sa pinaka karaniwang tugon na aming naririnig sa ngayon at ito talaga ang katotohanan.
Ang oras ay isang limitadong napagkukunan at mayroon tayong karapatang maging maingat kung saan natin ito gugugulin dahil ito ay hindi na mababawi pa! Pinahahalagahan lamang natin ang oras kapag alam nating paubos na ito. Ang huling limang oras bago ang taning ay madalas na mas produktibo kaysa sa mga nakaraang limang linggo! Dahil mahalaga ang oras, kailangan mong malaman kung bakit dapat mo ring pagka-abalahang basahin ang libretang ito.
Kaya narito ang buod ng bagay na ito. Sa buong kasaysayan ng tao, ang Diyos ay nagpadala ng mga sugo upang gabayan tayo. Subalit ngayon, ito ay natapos na. Wala nang mga sugo. Dumating na ang huli at wala nang susunod pa sa kanya. Ang wakas ay tunay na nalalapit na. Kaya kailangan mong magpasya kung nais mong ituring ang mensaheng ito nang masinsinan dahil ito ang magpapasya kung saan mo gugugulin ang iyong walang hanggan.
Hindi ito tungkol sa bulag na pananampalataya. Sa katunayan, ang sugong ito ay dumating na may malinaw na mga katibayan upang pagtibayin ang kanyang pag-angkin. Sa mga susunod na ilang minuto, matututunan mo ang isang mahalagang bagay tungkol sa isang taong nagngangalang Muhammad.
Inangkin niyang siya ang huling sugo mula sa Diyos. Oo, ito ang dakilang pag-aangkin, ngunit mayroong isang pamamaraang magagamit natin upang makita kung totoo ang pag-aangking ito. Kung isasantabi natin ang pagkiling at tunghayan ang kanyang buhay nang may tapat na layunin, makikita lamang natin ang tatlong posibilidad tungkol sa kanyang pag-angkin:
— Siya ay isang sinungaling
— Siya ay hibang
— Siya ay nagsasabi ng katotohanan
Sa katunayan, maaari itong mailapat sa sinumang may pag-aangkin tungkol sa anumang bagay! Susuriin natin ang pag-aangkin ni Muhammad gamit ang pamamaraang ito.
Siya ba ay isang sinungaling?
Ang maikling pagtanaw sa mahigpit na naitalang kasaysayan ng buhay ni Muhammad ay nagsisiwalat ng sapat na impormasyon na nagpapakita sa integridad ng kanyang pagkatao. Ipinanganak siya sa lungsod ng Makkah sa isang iginagalang na tribo, ang Bani Hashim, na mga tagapangalaga ng sagradong bahay, ang Kaaba. Bahagyang dahil dito, kung kaya kilalang-kilala si Muhammad. Ang lipunan ng Paganong Arabe ay labis na makalipi.
Sa kabila nito ang mga taga Makkah sa pangkalahatan ay pinagkakatiwalaan si Muhammad. Pinagkalooban pa nila siya ng titulong “Al Ameen,” na nangangahulugang “Ang Mapagkakatiwalaan.” Siya ay kilalang-kilala para sa kanyang ganap na katapatan sa kalakalan at sa kanyang pangkalahatang pakikitungo sa mga tao at pagtulong din sa mga mahihirap, sa mga ulila, mga balo, mga matatanda at ang mga api-apihan.
Hindi lamang makalipi ang Arabya, ngunit ang orihinal na Abrahamikong monoteismo ay matinding napinsala ng idolatriya at mga pamahiin. Ang pagsamba sa idolo ay nagpapaigting sa kanilang pang-ekonomiya, sosyolohikal at pampulitikang istraktura. Sa gulang na apatnapu, sinimulang itinuro ni Muhammad na ang mga idolo na ito, at ang kasamang mapamahiing kasanayan, ay hindi totoo, at ang mga naniniwala dito ay mapaparusahan sa walang hanggang parusa para sa kanilang mga pagsuway laban sa kaisahan ng tanging tunay na Diyos.
Siya ay napakatahas sa kanyang pagbatikos sa kanilang huwad na relihiyon. Ngayon isipin mo ito. Bakit niya ito gagawin kung siya ay sinungaling? Ang mga taong nagsisinungaling ay ginagawa ito alinmang maiwasan ang pagdurusa o makakuha ng pakinabang. Paano naaangkop ang mga kinikilos ni Muhammad para dito? Ang mga pagano ay talagang itinuturing ang kanilang relihiyon ng masinsinan, dahil inuugnay nila ito sa kanilang mga ninuno at ipinagmamalaking sinusunod ang mga ito. Gayunpaman, sinabi sa kanila ni Muhammad na sila at ang kanilang mga ninuno (kabilang ang sa kanya) ay naliligaw at mangmang.
Sa maikling panahon, si Muhammad ay napunta mula sa isang kagalang-galang na pigura sa pagiging kinamumuhian at mariing sinasalungat ng mga makapangyarihang tao ng Makkah. Una, sinubukan nilang suhulan siya. Inalok nila siya ng salapi, kababaihan, maging kaharian, para lamang ipagkasundo niya ang kanyang mensahe. Nang nabigo ito, siya ay sinalakay nila, kinutya at sinaktan siya, at maging balakin pang patayin siya. Subalit sa halip na itigil ang kanyang mensahe, siya ay naging lalong lantad at lalo pa silang kinondena.
Kakaunti lamang ang kanyang mga tagasunod, subalit dumaranas din sila ng pagmamalupit at kailangang lumikas sa ibang bayan. Sa kalaunan, siya mismo ay kailangang lumikas sa kanyang tahanan at maghanap ng kanlungan sa ibang lungsod. Kung siya ay isang sinungaling at isang manlilinlang na nais makakuha ng isang bagay mula sa mga tao, magkagayon, katulad ng gawain ng bawat pulitiko, dapat siyang makipaglaro sa mga naisin at kagustuhan ng mga tao sa halip na hamunin sila ng harapan.
Bakit hindi niya tinanggap ang kanilang panukalang kasunduan at kunin ang kapangyarihan at kayamanan na inalok sa kanya? Marahil maaari itong pagtalunan na ang layunin ni Muhammad sa pagsisinungaling ay hindi para sa ‘dito at ngayon’ kundi dahil gusto niyang lumikha ng isang simulain at kilalanin sa pagkaraan ng kanyang kamatayan sa halip! Isang malawak na balakin ng kahambugan, na maituturing! Bagama’t maaari lamang gumawa ang isang tao ng ganitong paratang pagkatapos ito maganap. Sa panahong ito, mula sa isang ganap na materyal na pananaw, si Muhammad ay may kaunti o walang pagkakataong magtagumpay.
Ang katotohanang siya ay talagang nagtagumpay sa katunayan ay walang kakulangan sa pagkahimala. Bukod dito, si Muhammad ay labis na mapagpakumbaba sa kanyang sarili. Palaging inuugnay niya ang kanyang tagumpay sa Diyos. Siya ay nanamit at nanirahan kasama ang mga tao bilang isa sa kanila, at sa kabila ng kanyang kakayahang makakuha ng malaking kayamanan, siya at ang kanyang pamilya ay nabuhay sa pinakapayak na mga buhay. Kung ang katanyagan ang layunin ni Muhammad, maaari niyang maangkin na siya ay isang sugo mula sa Diyos at kasabay nito, pahintulutan ang mga tao na sumamba sa kanilang mga idolo.
Ang mga pagano sa katunayan ay naniniwala sa isang kataas-taasang hindi nakikitang Diyos na Tagapaglikha, at sa katunayan ay itinuturing ang kanilang mga idolo na tagapamagitan sa Diyos. Ang manawagan ng mahigpit para sa monoteismo ay hindi kinakailangan bilang isang landas sa katanyagan at kapangyarihan. Sa katunayan, binalaan ni Muhammad ang mga tao laban sa labis na paggalang sa kanya.
“Huwag magmalabis sa pagpuri sa akin gaya ng pagpuri ng mga Kristiyano sa anak ni Marya [si Hesus], sapagkat ako ay isang Alipin lamang. Kaya, tawagin niyo akong Alipin ng Diyos at Kanyang Sugo. ”[1]
at siya ay nanalangin
“O Diyos! Huwag mong gawin ang aking libingan bilang idolo na sinasamba…” [2]
Ang yumaong Emeritus na Propesor sa Arabe at Islamikong Pag-aaral, na si Montgomery Watt, ay ipinaliwanag sa kanyang aklat, na Muhammad in Mecca:
“Ang kanyang pagkahanda na sumailalim sa pag-uusig para sa kanyang mga paniniwala, ang mataas na moral na katangian ng mga taong naniniwala sa kanya at tumitingala sa kanya bilang isang pinuno, at ang kadakilaan ng kanyang sukdulang nagawa – lahat ay nagpapakilala ng kanyang pangunahing integridad. Ang ipagpalagay na si Muhammad ay isang impostor ay nagdaragdag ng maraming mga problema kaysa sa kalutasan nito.” [3]
Sa halip na magnais ng makamundong karagdagan sa panahon ng kanyang buhay o pagsamba sa kanyang sarili sa hinaharap, si Muhammad ay walang mahihita sa pananatiling matatag sa kanyang mensahe – bagay na kailangan niyang matinding pagdusahan. Mangyari pa mayroon din namang, isa pang posibleng paliwanag. Siya ay hibang, o baliw. Naniniwala talaga siya, o pinaniwala niya ang kanyang sarili, na nakakatanggap siya ng mensahe mula sa Diyos. Marahil ay maaaring ipaliwanag nito ang kabuuan at taus-pusong debosyon niya sa pangangaral ng kanyang mensahe, sa kabila ng magkakasunod at patuloy na pagsalungat. Ang problema dito ay ang mga katotohanan sa batayan ay hindi rin agad na nagpapatibay sa pagpapalagay na ito.
Siya ba ay hibang?
Ang mga baliw at hibang na tao sa pangkalahatan ay nahihirapan na makilala ang pagitan ng kung ano ang totoo sa kung ano ang huwad. Handa silang gumamit ng anumang katibayan na tila magpapatibay sa kanilang mga pag-aangkin. Ang isang makapagbabagong-buhay na pangyayari, na ganap na nagpapakita na ang Propeta ay nagpapanatili ng isang makatwiran at matapat na pag-iisip sa lahat ng oras, ay ang kasunod ng trahedyang pagkamatay ng kanyang anak na si Abraham.
Namatay si Abraham kasunod ng isang maikling pagkakasakit at pagkatapos na siya ay inilibing, nagkaroon ng isang eklipse ng araw. Ang ilan sa mga Muslim ay nag-angking ang pangyayaring ito ay isang ‘himala’ at nagsimula ang pagkalat ng ideyang ito.
Lumaganap ang salita na nagsasabing ang Araw ay nag-eklipse sa kalungkutan sa pagkamatay ni Abraham. Nang marinig ito, sumagot si Muhammad:
“Ang Araw at Buwan ay mga palatandaan ng Diyos. Ang mga ito ay eklipse hindi para sa kamatayan ni kapanganakan ng sinumang tao. Sa pagsaksi sa isang eklipse, samakatuwid, alalahanin ang Diyos at bumaling sa Kanya sa panalangin.” [4]
Ang isang baliw o hibang na tao ay maaaring sumang-ayon sa mga tao, lalo na dahil ang ganitong bagay ay isang napaka-karaniwang paniniwala sa panahong ito:
“Nakita niyo! Ito ang katibayan na ako ay isang Propeta, maging ang Araw at Buwan ay tumutugon sa aking kalungkutan!”
Maging sa ngayon sa kaalamang siyentipikong astronomiko, maraming tao ang mahihikayat dito! Ito rin ang maaaring mangyari kung siya ay isang sinungaling na tinatangkang linlangin ang mga tao. Gayunpaman, malayo sa pagiging hibang at gatungan ang kanyang pagkasarili, ang palaging pagtuon ni Muhammad ay ang pagpapalapit sa puso ng mga tao sa Diyos.
Ang kabaliwan ay nailalarawan din ng mga taong nagsasalita at kumikilos ng hindi makatwiran at pabago-bago. Maaari nilang angkinin ang isang bagay sa isang araw, at pagkatapos ay gumawa ng isang ganap na magkakaibang pag-uugali sa susunod. Ang malinaw sa simula pa lamang ng kanyang pagkapropeta ay ang pagkakaugnay ng mensahe ni Muhammad sa loob ng mahigit na 20 taon.
Nagsimula ito at nagpatuloy sa isang malinaw at lantad na panawagan upang magkaisa para sambahin ang Nag-iisang Tagapaglikha lamang, at inilapit din niya ang pansin ng mga tao sa kanilang sariling di-lohikal na katayuan sa pagsamba sa mga idolo na nilikha nila gamit ang kanilang sariling mga kamay, na hindi makakatulong o makapipinsala sa kanila. Ang katotohanang si Muhammad ay nagawang maantig ang ganitong napakalaki at pangmatagalang pagbabago para sa napakalalim na pananatiling kasanayan ng mga tao sa pagitan ng kanyang mamamayan ay nagpapakita na ang mga pag-angkin sa kanya sa pagiging hibang o baliw ay napakahirap na katigan.
Sa katunayan, ang Islam ay nagpapatuloy hanggang ngayon upang malawakang mapagbuti at maantig ang buhay ng mga tao. Kapansin-pansin, na kahit na ang mga di-Muslim na mananalaysay ay itinuturing si Muhammad bilang isa sa mga pinaka-maimpluwensyang tao sa lahat ng panahon. Ito ay dahil ang epekto ng kanyang mga turo ay hindi lamang limitado sa isang personal na espirituwal na kalagayan, subalit maaari ring mailapat sa isang malawak na saklaw ng pag-iral ng tao, kabilang ang ekonomiya, buhay pamilya, mga ligal na sistema, mga patakaran sa pagdiyeta at palalusugan.
Paano at saan nagmula ang isang iliteradong taong naninirahan sa disyerto na nagkaroon ng ganitong kaalaman at pananaw? Sa katunayan, maaaring ang isang tao ay lumabis pa para sabihin na kung ang mga turo ni Muhammad ay produkto ng kahibangan, sa anong batayan maaari nating tawagin ang sinuman na nasa katinuan? Kuhanin nating halimbawa, kung paano niya matagumpay na nagawa ang ganap na pagbabawal sa alak. Ito ay tunay na isang mabigat na gawain. Ang mga Arabo ng panahong yaon ay mga talamak na manginginom at nakapagsulat pa man din ng mga epikong tula upang purihin ang alak.
Ihambing ang ganap na kabiguan ng isang makabago, may mahusay na kaalaman at teknolohikong sopistikadong lipunan tulad ng Estados Unidos upang ipatupad ang pagbabawal ng alak! Ang paraan ni Muhammad ay banayad at maingat. Isinasaalang-alang niya ang likas na katangian ng tao at mga kadikit ng nakahuhumaling na gawi. Unti-unti niyang inilayo sila mula dito, sa pamamagitan ng pagpapabuti sa kanila, ang diwa ng malaking kasamaan at ang pinsalang patutunguhan nito, at pagkatapos ay iniwas sila sa mga yugto, na kalaunan ay nagtapos sa isang lubusang pagbabawal.
Nang ang mga talata ng Qur’an ay ipinahayag na nagbabawal dito, ang mga taong umiinom ay itinapon ang kanilang alak, inilura ito mula sa kanilang mga bibig at umapaw ito sa mga lansangan, na nagmistulan ito sa madaling salita na mga ilog ng itinapong alak. Bilang karagdagan, ito ay ginawa ng kusang-loob na walang anumang pagpapatupad ng batas!
Ang isa pang palatandaan ng pagiging makatarungang isip ni Muhammad ay ang pamamaraang pinagtibay niya sa mga pakikipag-usap sa kanyang mga kaaway. Marahil ang isa sa mga pinaka nakakaintig na halimbawa ay ang kasunduan ng Hudaybiyah. Ang kanyang mga tagasunod ay papunta upang magsagawa ng pilgrimahe sa Makkah. Nais ng mga pagano na sila ay pigilan. Ang mga Muslim ay madali sanang makakapaglakad sa Makkah at sakupin ito, subalit sa halip, pinili ni Muhammad na makipag-ayos sa isang kasunduan! Tinawag ito ng Qur’an na isang dakilang tagumpay. Marami sa kanyang mga tagasunod ang hindi maintindihan ito.
Isa sa kanyang pinakamalapit na kasama ay hayagan pang nagtanong at hinamon ang pasya. Ang dahilan dito ay dahil ang mga tuntunin ng kasunduan ay tila hindi kanais-nais sa mga Muslim. Sa isang punto sa mga kasunduan, habang ang kasunduan ay kinakalap, ang mga pagano ay kinutya ang kanyang kahilingan na gawin ang kanyang titulo na itala bilang “Si Muhammad, ang Propeta ng Diyos” na nagsabing “kung naniniwala kami diyan, magkagayun ay wala na sanang pagtatalo.”
Hiniling ni Muhammad sa kanyang tagapagsulat na alisin ito alinsunod sa kanilang kahilingan at palitan ito ng “Si Muhammad – ang anak ni Abdullah.” Nang ang kanyang kasama at malapit na kaibigan ay hindi makaya ng kanyang sarili upang tanggalin ang mga salita, kinuha ni Muhammad ang panulat at inalis ito gamit ang kanyang sariling kamay. Ang pag-uugali na gayong kahinahon at pragmatikong paraan ay hindi naaayon sa pakikiharap ng isang baliw o hibang na tao.
Muli, ang lahat ng ito ay humihingi ng tanong: Saan nakuha ni Muhammad ang ganitong taos at malalim na pananaw, karunungan at pag-unawa sa kalikasan ng tao? Paano niya nagawang magampanan ang ganitong pangmatagalan at malalim na mga pagbabago hindi lamang sa kanyang mga mamamayan, kundi sa katunayan sa mundo? Kung siya ay hindi isang sinungaling o nahihibang, kung gayon ay ano? Isang tanging posibilidad ang nananatili. Ito ay ang tanging bagay na talagang maipapaliwanag ang pambihirang kababalaghang si Muhammad.
Siya ay totoo.
Kung siya talaga ay isang Sugo ng Diyos na nakatanggap ng inspirasyon at gabay mula sa Tagapaglikha, ito ang nagpapaliwanag ng kanyang ganap na katapatan, pagka-makatotohanan at matatag na dedikasyon sa paghahatid ng mensahe ng monoteismo, gayundin ang kanyang malalim na pananaw sa kalikasan ng tao at ang kakayahang positibong gabayan at patnubayan ang kanyang mamamayan, at sa katunayan ang mga tao mula sa lahat ng mga lahi at kultura hanggang sa kasalukuyan. Ipinapaliwanag nito ang lalim ng panlipunan, sikolohikal, teolohikal, ligal, pangkasaysayan at epistemolohikal na mga pananaw sa loob ng kanyang mga turo.
Ang Propeta Muhammad ay ipinadala upang ayusin ang ugnayan sa pagitan ng sangkatauhan at ng kanilang Tagapaglikha. Tinawag niya ang mga tao na maniwala lamang sa Diyos. Ang Nag-iisang Diyos na walang katulad sa nilikha at perpekto, hindi nakikita, makapangyarihan sa lahat, mapagmahal, maawain at mapagpatawad. May isang panghuling katibayang nais naming ipakita sa inyo sa libretang ito bilang pagpapatibay sa kanyang pag-aangking siya ay isang Propeta ng Diyos, at ito ay ang katumpakan ng kanyang mga hula tungkol sa mga bagay sa hinaharap.
Mayroon sa katunayang maraming mapapanaligang mga hula ang Propeta Muhammad at marami sa mga ito ang ginagalugad sa aklat na The Forbidden Prophecies. Dito, nais lamang naming maglahad ng isa, bahagyang dahil sa ang natatanging hulang ito ay malinaw na nagkatotoo sa mga nagdaang panahon.
Ang Propesiyang Bedowing Arabe
Mula sa milenyong nagdaan, mayroong dalawang uri ng mga Arabo: mga naninirahan sa lungsod at “Mga Bedowin.” Ang una ay bumubuo sa nakararami at naninirahan sa mga sinaunang lungsod tulad ng Damasco, Cairo, Makkah, Sanaa at Baghdad. Ang mga Bedowin, sa kabilang dako, ay mga lagalag. Naglalakbay sila sa malawak na mga disyerto at palaging palipat-palipat. Kahit na habang nasa Ginintuang Panahon ng Islam, nang ang mga Arabo ang pinakamayaman at pinakamarunong na mga tao sa Daigdig, ang mga Bedowin ay nanatili sa halos parehong kinatatayuan sa libu-libong taon: mahirap, walang pinag-aralan at hiwalay mula sa ibang bahagi ng mundo.
Sa nakaraan ng 1940, ang manlalakbay na Ingles na si Sir Wilfred Thesiger, ay naglalakbay sa mga lugar na ito ng Bedowin at naitala ang kanilang kalagayan:
“Habang ako ay nakikinig ay naisip kong muli kung gaano nanganganib ang pag-iral ng mga Badu. Ang kanilang paraan ng pamumuhay ay likas na nagdulot sa kanila na maging mga makatadhana; labis ay lampas sa kanilang pagtatakda. Imposible para sa kanila na maglaan ng kinabukasan kapag ang lahat ay nakasalalay sa pagkakataon ng pagbagsak ng ulan o kapag ang mga mananalakay, sakit, o anuman sa isang daang pagkakataong pangyayari ay maaaring anumang oras ay iwanan sila sa kawalan, o wakasan ang kanilang mga buhay. Ginawa nila kung ano ang makakaya nila, at walang tao na higit na nagtitiwala sa sarili, subalit kung hindi umayon ang mga bagay ay tinatanggap nila ang kanilang kapalaran nang walang pagdaramdam, at may dignidad bilang kalooban ng Diyos.” [5]
Subalit hinulaan ni Muhammad na ang mga Arabong Badu ng kanyang rehiyon na isang araw ay makikipagtagisan sa pagtatayo ng mga matataas na gusali:
“Ngayon, sabihin mo sa akin ang Huling Oras,” tanong ng lalaki. Sumagot ang Propeta, “Ang tinanong ay walang nalalaman tungkol dito kaysa sa nagtatanong.”
“Kung gayun ay sabihin mo sa akin ang tungkol sa mga palatandaan nito,” sabi ng lalaki. Sumagot ang Propeta, na “Kapag nakita mo ang nakayapak, walang damit na mga Bedowin na nakikipagtagisan sa pagtatayo ng mga matataas na gusali.” [6]
Ito ang isa sa pinakatanyag at mahigpit na napanaligang kasabihan ng Propeta Muhammad.
Nang tanungin si Muhammad tungkol sa “Huling Oras,” na nangangahulugang ang paglapit ng Araw ng Paghuhukom, pansinin ang detalyadong tugon na ibinigay niya: isang natatanging tao, ang mahihirap na Arabong Bedowin ng rehiyon, ay kinilala.
Madali sana itong nilaro ni Muhammad ng ligtas sa pamamagitan ng paggamit ng mas pangkalahatang wika, tulad ng, “kapag nakita mo ang pagtatagisan sa pagtatayo ng mga matataas na gusali …” na siyempre ay maaaring sapat na maiaangkop upang mailapat sa sinuman sa mundo.
Sa Tangway ng Arabyano ngayon, matatagpuan natin na isang partikular na pangkat ng mga Arabo, na dating naging mahihirap na mga pastol ng mga kamelyo at tupa hanggang sa kalagitnaan ng ikadalawampung siglo, ay nagtatagisan ngayon upang makapagtayo ng pinakamataas na mga gusali. Paano nangyaring ang pagbabagong ito ay nangyari nang tila magdamagan lang? Paano ang isa sa mga pinakamahihirap na tao sa Mundo, na literal na nagsuot ng basahan na ang ilan ay ni hindi kayang makabili ng sapatos, ay naging pinakamayamang bansa sa Mundo?
Sa katunayan, ang isang kawing ng mga kaganapan ay nagpahintulot na ito ay mangyari: ang pagbagsak ng Imperyong Otoman (na dating mamuno sa Tangway ng Arabyano), ang pagtaas ng isang mahigpit na anyo ng Islam na itinataguyod ng mga pinunong Bedowin, at ang pagtanggal ng sinaunang nasa lungsod na mga tagabantay na Hashemite ng mga sagradong moske ng Makkah at Madina.
Isa pang bagay na nagdulot sa mabilis na pagbabagong ito na maging posible. Isang bagay kung saan ang makabagong mundo ay umiikot marahil higit sa iba pa; Langis! Ang tila walang laman na disyerto ng mga Bedowin ay napakarami dito. Ang Bedowin ay nauwi mula sa mga kamelyo sa Cadillac sa loob ng isang henerasyon! Ngayon, ang pinakamataas na tuunin ng mga matataas na gusali saanman sa mundo ay nasa Tangway ng Arabyano, partikular sa mga lugar kung saan nanirahan ang mga Bedowing Arabo. Ang Burj Khalifa sa Dubai ay ang pinakamataas na istrakturang gawa ng tao sa buong mundo na nasa 828 metro.
Sa isang iglap nang ito ay matapos, inihayag ng isang karibal na pamilya sa Saudi Arabia na magtatayo sila ng isang mas mataas (1,000 metro) – ang Tore ng Kaharian – sila ay literal na nakikipagtagisan sa bawat isa kung sino ang maaaring makapagtayo ng pinakamataas na gusali sa mundo. Ano naman kaya ang maaaring nakapag-udyok kay Muhammad para magpahayag ng ganitong hula?
Kung gagawa rin lang siya ng ganitong hula, magiging mas may kabuluhan na maiugnay ang hulang ito sa mga makapangyarihan ng kanyang panahon: ang Roma, Persia o kahit na ang Tsina na (hindi katulad ng mga Arabo) ay may pagkahilig na magtayo ng mga marangyang gusali at mga palasyo. Ang Propeta Muhammad mismo ay hindi ninanais sa mga Muslim na makisangkot sa pagsisikap sa hindi kinakailangang pagdaragdag ng kayamanan. Sa katunayan, madalas niyang binabalaan sa mga panganib at kung paano nito masisira sa kanyang bansa.
Ang mas kawili-wili pa ay hindi niya ninais o isinulong ang pagtatayo ng mga gusali! Siya ay isang simpleng tao na nakatira sa isang simpleng bahay at nais sa iba pang mga Muslim na mapanatili ang pagiging payak. Iyon ang itinuro niya at kung paano siya nabuhay. Kung ninais niyang “matupad” ang hula na ito upang magkatotoo, ay dapat nahikayat na niya ang mga Arabo na magtayo ng matataas na mga gusali at marahil ay magsimulang subukan na gawin niya ito mismo! Maliwanag na ang hulang ito ay hindi masasabing nagkataon.
Si Muhammad, ang kapayapaan ay sumakanya, ay nalalaman ang mga bahagi ng hinaharap mula sa Diyos. Binabalaan niya ang sangkatauhan tungkol sa pagdating ng mga huling araw. Nasa mga araw na tayo.
Walang sinuman sa atin ang mabubuhay magpakailanman! Para sa ating lahat, malapit na ang ating katapusan. Ang oras ay tunay na paubos na.
Paghahanda
Isang lalaki ang nagtanong sa Propeta tungkol sa Araw ng Paghuhukom,
“Kailan magaganap ang Oras O Sugo ng Diyos?” Sinabi ng Propeta, “Ano ang inihanda mo para dito?” Sinabi ng lalaki, “Hindi ako naghanda para dito ng maraming mga pagdarasal o pag-aayuno o kawanggawa, subalit mahal ko ang Diyos at ang Kanyang Sugo.” Sinabi ng Propeta,” Makakasama mo ang iyong minamahal. “[7]
Ang natutunan natin dito ay kung mahal natin ang Diyos at ang kanyang huling Sugo, maliligtas tayo. Ang tunay na pagmamahal siyempre ay hindi lamang nangangailangan ng paniniwala, kundi pagkilos din. Dapat din nating subukang sundin ang huling Sugo upang makamit ang kaligtasan.
Katotohanan, sa Sugo ng Diyos mayroon kayong isang mahusay na halimbawa para sa sinumang umaasa sa Diyos at sa Huling Araw, at madalas na naaalala ang Diyos. Ang Qur’an Kabanata 33, Talata 21
Ang libretang ito ay hindi inilaan bilang isang pagsasanay sa intelektuwal lamang. Kung naniniwala ka na si Muhammad (ang kapayapaan ay sumakanya) ay totoo, kung gayon ang mensahe na kanyang kasama ay totoo rin, at dapat mo itong yakapin nang buong puso at makahanap ng totoong layunin sa buhay na ito at tagumpay sa susunod.
Sabihin mo [O Muhammad], ‘Kung mahal mo ang Diyos, sumunod ka sa akin, at mamahalin ka ng Diyos at patatawarin sa iyo ang iyong mga kasalanan; Ang Diyos ay pinaka-mapagpatawad, pinaka-maawain.’ Sabihin, ‘Sundin ang Diyos at ang Sugo,’ subalit kung tumalikod sila, [alamin na] hindi minamahal ng Diyos ang mga bumabale-wala sa [Kanyang mga utos]. Ang Qur’an Kabanata 3, Talata 31-32
Sanggunian:
[1] Isinalaysay ni Bukhari.
[2] Tahdheer al-Saajid min Ittikhaadh al-Quboor
Masaajid, p. 24-26.
[3] Watt, W. M. (1953) Si Muhammad sa Makkah. Oxford:
Oxford University Press, p. 52.
[4] Isinalaysay ni Bukhari.
[5] Thesiger, Wilfred (2007), Arabian Sand, Penguin,
Kindle Edition, Loc 3572.
[6] Isinalaysay ni Muslim.
[7] Isinalaysay ni Bukhari.