This post is also available in: 简体中文 (Chinese (Simplified)) English (English) Français (French) Español (Spanish) Português (Portuguese, Portugal) Română (Romanian) Deutsch (German) Swahili (Swahili)
Ang tugon ng Islam sa problema ng kasamaan at pagdurusa
Narinig na nating lahat ito nang maraming beses: ‘Bakit nangyayari sa atin ang masasamang bagay o sa mga taong mahal natin?’ Sa pangkalahatan, lahat tayo ay naapektuhan kahit papaano sa malupit na katotohanan ng buhay. Ang bawat isa sa atin ay nakakatagpo ng ilang uri ng kalungkutan, maging ito ay isang personal na karanasan o sa pakikinig ng pagdurusa ng iba. Ang mga kwento ay walang katapusan.
Ang pagdurusa ng tao ay laganap at tunay at gayon din ang kasamaan bilang isang puwersa sa mundo. Kaya paano natin haharapin ito?
Ang paraan ng pakikitungo ng ilang tao ay sa pamamagitan ng pagkagalit sa Diyos o pagtanggi na ang isang mapagmahal na Diyos ay maaaring umiral na mayroong labis na kasamaan sa mundo. Ang problema sa reaksyon na ito ay ang kasamaan at pagdurusa na nakakaapekto sa atin ay patuloy na nagdudulot sa atin ng sakit at walang magbabago pagkatapos na sisihin natin ang Diyos o tanggihan ang pag-iral ng Diyos. Kaya paano talaga natin ito haharapin?
Tugon ng Islam
Ang Islam ay may sagot na makakatulong sa atin na harapin ang ating sakit sa paraang nagbibigay-kasiyahan sa damdamin.
Gumamit ang Qur’an ng malalim na mga kwento at salaysay upang baguhin ang ating pananaw tungkol sa kasamaan at pagdurusa. Kuhanin, halimbawa ang kwento tungkol kay Propeta Moises at isang lalaking nakatagpo niya sa kanyang mga paglalakbay, na kilala bilang Khidr .:
“Kaya’t ang dalawa ay bumalik, hinanap ang kanilang mga yapak, at natagpuan ang isa sa Aming mga lingkod – isang tao na pinagkalooban Namin ng Aming awa at pinagkalooban Namin ng Aming sariling Karunungan. Sinabi ni Moises sa kanya [Khidr], ‘Maaari ba akong sumunod sa iyo upang maituro mo sa akin ang ilang tamang patnubay na itinuro sa iyo?’ Sinabi ng lalaki, ‘Hindi mo makakayang mapagtiisang makasama ako. Paano ka makakapagtiis sa mga bagay na lampas sa iyong kaalaman? ‘Sinabi ni Moises,’ Kung loloobin ng Diyos, matatagpuan mo akong matiisin. Hindi kita susuwayin sa anumang paraan. ‘Sinabi ng lalaki,’ Kung susundan mo ako, huwag kang magtatanong ng anuman sa gagawin ko bago ko pa mismo ito sabihin sa iyo. ‘Naglakbay sila. Nang lumaon, nang sila ay sumakay sa isang bangka, at ang lalaki ay gumawa ng isang butas sa loob nito, sinabi ni Moises, ‘Paano mo nagawang bumutas sa loob nito? Nais mo bang malunod ang mga pasahero dito? Ito ay isang hindi pangkariwang bagay na dapat gawin! ‘Sumagot siya,’ Hindi ba’t sinabi ko sa iyo na hindi mo makakayang mapagtiisan na makasama ako? ‘Sinabi ni Moises, ‘Ipagpaumanhin mo ang aking pagkalimot. Huwag mong gawing mahirap para sa akin ang sundan ka.’ At sila ay patuloy na naglakbay. Pagkatapos, nang makatagpo nila ang isang batang lalaki ay pinatay siya ng lalaki, sinabi ni Moises, ‘Paano mo nagawang paslangin ang isang inosenteng tao? Wala siyang pinaslang na sinuman! Ito ay kakila-kilabot na bagay na gawin! ‘Sumagot siya, ‘Hindi ba sinabi ko sa iyo na hindi mo makakayang mapagtiisang makasama ako? ‘Sinabi ni Moises, ‘Mula ngayon, kung tatanungin ko ang anumang gagawin mo, ay palayasin ako sa piling mo – ikaw ay nagtiyaga na ng sapat para sa akin.’ At sila ay patuloy na naglakbay.
Pagkatapos, nang dumating sila sa isang bayan at humingi sa mga nakatira dito ng pagkain subalit tinanggihan ng mabuting pakikitungo, nakita nila ang isang pader doon na malapit nang mabuwal at inayos ito ng lalaki. Sinabi ni Moises, ‘ٍSubalit kung naisin mo ay maaaring humingi ka ng kabayaran para sa pag-aayos nito.’ Sinabi niya, ‘Ito na ang bahagi na kung saan ikaw at ako ay maghihiwalay. Sasabihin ko sa iyo ang kahulugan ng mga bagay na hindi mo nakayang pagtiisan: ang bangka ay pag-aari ng ilang mga mahihirap na tao na kinukuha ang kanilang ikinabubuhay mula sa dagat at sinira ko ito dahil alam kong may tumutugis sa kanila na isang hari na nang-aagaw ng bawat [mapapakinabangang] bangka nang pwersahan. Ang batang lalaki ay may mga magulang na mga mananampalataya, kung kaya, sa takot na guluhin niya sila sa pamamagitan ng kasamaan at kawalang paniniwala, nais namin na ang kanilang Panginoon ay magbigay sa kanila ng iba pang anak — mas dalisay at higit na mapagmahal – na kanyang kapalit. Ang pader ay pag-aari ng dalawang batang ulila sa bayan at doon nakabaon ang kayamanan sa ilalim na pagmamay-ari nila. Ang kanilang ama ay naging isang matuwid na tao, kaya nilayon ng iyong Panginoon na maabot nila ang tamang gulang at pagkatapos ay hukayin ang kanilang kayamanan bilang awa mula sa iyong Panginoon. Hindi ko ginawa [ang mga bagay na ito] ng aking sariling kagustuhan: ito ang mga paliwanag para sa mga bagay na yaong hindi mo nakayang mapagtiisan.’
Ang kwentong ito ay nagbibigay din ng mga aral at espirituwal na pananaw. Ang unang aral ay upang maunawaan ang kalooban ng Diyos, siya ay dapat maging mapagpakumbaba. Ang espirituwal na katayuan ni Moises ay napakataas ayon sa Qur’an, siya ang pinaka-nabanggit na tao sa Quran subalit lumapit siya kay Khidr nang may pagpapakumbaba. Alam ni Moises na si Khidr ay binigyan ng kaalamang kinasihan ng Diyos na hindi ibinigay sa kanya. Mapagpakumbabang hiniling ni Moises na matuto mula sa kanya, gayon pa man tumugon si Khidr sa pamamagitan ng pagtatanong sa kanyang kakayahan na maging mapagtiis; gayunpaman, iginiit ni Moises at nais na matuto. Ang ikalawang aral ay ang pagtitiis ay kinakailangan sa emosyonal at sikolohikal na pakikitungo sa pagdurusa at kasamaan sa mundo. Alam ni Khidr na si Moises ay hindi makakayang makapagtiis sa kanya, dahil gagawin niya ang mga bagay na inakala ni Moises na masama. Sinubukan ni Moises na maging mapagtiis ngunit palaging tinatanong ang kilos ng lalaki at ipinahayag ang kanyang galit sa inaakalang kasamaan. Gayunpaman, sa pagtatapos ng kwento, ipinaliwanag ni Khidr ang banal na karunungan sa likod ng kanyang mga ginawa matapos na sabihin na si Moises ay hindi makakayang makapagtiis.
Ang isa pang aral ay ang karunungan ng Diyos ay walang hangganan at kumpleto, samantalang limitado tayo sa karunungan at kaalaman. Ang isa pang paraan ng pagpapahayag nito ay ang Diyos ay may kabuuang karunungan at kaalaman; mayroon lamang tayong mga detalye, mayroon Siyang larawan na mayroon lamang tayong isang piksel. Nakikita natin ang mga bagay mula sa pananaw ng ating maliit na paningin. Ang bersikulong “Paano ka magiging mapagtiis sa mga bagay na lampas sa iyong kaalaman?” ay nangangahulugan na mayroong isang Banal na karunungan na hindi natin kayang maarok. Si Khidr ay may kaalaman sa karunungan ng Diyos at ang mga nakatagong interes na hindi nakikita ni Moises.
———————————
Napakaraming mga halimbawa sa ating mga buhay kung saan inaamin natin sa ating intelektuwal na kahinaan. Tayo ay makatwirang nagpapasakop sa mga katotohanang hindi natin maunawaan sa karaniwang kalakaran. Halimbawa, kapag binisita natin ang doktor ay ipinapalagay natin na ang doktor ay isang awtoridad. Pinagkakatiwalaan natin ang pagsusuri ng doktor sa batayang ito. Iniinom din natin ang gamot na inirereseta ng doktor nang walang pagdadalawang iisip.
Ang Diyos ay ang Marunong, at ang Kanyang mga pangalan at katangian ay perpekto, sinusundan ito na mayroong karunungan sa likod ng lahat ng Kanyang ginagawa – kahit na hindi natin alam o nauunawaan ang karunungang yaon. Marami sa atin ang hindi nauunawaan kung paano gumagana ang mga sakit, ngunit dahil lamang sa hindi natin nauunawaan ang isang bagay ay hindi nagpapahina sa pagkakaroon nito.
Ang kwento nina Moises at Khidr ay tumutukoy din sa isang sinaunang pagtatalo tungkol sa Diyos. Ang argumento ay katulad nito: kung ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat at mabuti sa lahat ay dapat na walang kasamaan sa mundo. Dahil Siya ay makapangyarihan sa lahat, wawakasan ng Diyos ang lahat ng kasamaan sa mundo, ngunit ang kasamaan ay umiiral pa rin kaya maaring ang Diyos ay hindi mabuti sa lahat dahil pinapayagan Niyang manatili ang kasamaan o hindi Siya makapangyarihan sa lahat dahil hindi Niya mapigilan ang kasamaan. Ang argumentong ito ay naglalagay ng ideya sa isang makapangyarihan sa lahat na Diyos sa isang mahirap na posisyon. Gayunpaman, ang dalawang katangiang ito ay hindi lamang mga katangian ng Diyos, siya rin ang marunong at nakakaalam ng lahat, na may pagpasok sa karununganng wala tayo tulad ng ipinakita sa kwentong nasa itaas. Ang argumento sa itaas ay angkop lamang kung ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat at mabuti sa lahat lamang, ngunit ito ay simpleng hindi totoo dahil ang Diyos ay marunong sa lahat at nakakaalam ng lahat, kaya ang problema sa itaas ay hindi na umiiral.
Ang Ating Layunin ay Pagsamba
Ang pangunahing layunin ng buhay sa Islam ay hindi upang magpakasaya sa panandaliang kaligayahan;
sa halip, ito ay para makamtan ang malalim na panloob na kapayapaan sa pamamagitan ng pagkilala at pagsamba sa Diyos. Ang pagsamba ay katagang komprehensibo sa Islam, lahat ng gagawin natin para sa Diyos ay pagsamba, maging ang pagmuni-muni sa nilikha, pagbigay ng kawanggawa, pag-aayuno, pagngiti, paghahanap ng medikal na kagalingan o kahit na ang pag-iisip ng mabuti sa Diyos at pagpaparaya sa mga pagkakamali ng tao, lahat ng mga ito ay isinasaalang-alang na pagsamba kapag ito ay ginawa para sa Diyos.
Ang kaganapan ng makadiyos na layunin ay magdudulot ng walang hanggang kagalakan at tunay na kaligayahan. Kaya, kung ito ang ating pangunahing layunin, ang ibang aspeto ng karanasang pantao ay pumapangalawa.
Isaalang-alang ang siyang hindi nakaranas ng anumang hirap o sakit, subalit dumanas lamang ng kaginhawaan sa lahat ng oras. Ang taong ito, dahil sa kanyang kalagayan sa kagaangan, ay nakalimutan ang Diyos kung kaya’t hindi na nagawa ang tunay na dahilan ng pagkalikha sa kanya. Ikumpara mo itong taong ito sa kanyang ang dinanas na mga paghihirap at sakit ay nagdala sa kanya sa Diyos, at naganap niya ang kanyang layunin sa buhay. Sa pananaw ng tradisyong Islamiko sa Islam, ang siyang nagdusa at nagdala sa kanya nito sa Diyos ay mainam kaysa sa kanyang hindi nagdusa at ang kaginhawaan ay naglayo sa kanya sa Diyos.
Ang Buhay ay Pagsusulit
Ang Diyos ay nilikha rin tayo para sa pagsusulit, at bahagi ng pagsusulit na ito ay ang maranasan ang pagsubok na may kasamang pahihirap at kasamaan. Ang pagpasa sa pagsusulit ay pinapadali ang ating permanenteng tirahan ng habangbuhay na kaligayahan sa Paraiso. Ang Qur’an ay nagpaliwanag na ang Diyos ay lumikha ng kamatayan at buhay, “nang sa gayon ay ilagay ka Niya sa pagsusulit, upang malaman sa inyo kung sino ang mainam sa mga gawa: Siya ang Pinakamakapangyarihan at Pinakamapagpatawad.”
Sa pangunahing antas, ang ateyista ay hindi nauunawaan ang layunin ng ating pag-iral sa mundo. Ang mundo ay dapat na maging lugar ng mga pagsubok at pagdurusa nang sa gayon ay masubukan ang ating pag-uugali at para malinang natin ang kabutihan. Halimbawa, paano natin malilinang ang pagtitiis kung hindi natin mararanasan ang mga bagay na susubok sa ating pagtitiis. Paano tayo magiging matapang kung walang panganib na kakaharapin. Paano tayo magiging maawain kung walang sinuman ang nangangailangan nito. Ang buhay bilang pagsusulit ay sinasagot ang mga katanungang ito. Kailangan natin ang mga ito upang matiyak ang ating pag-unlad sa moral at espirituwal. Hindi tayo naparito para sa tuluyang kalagayan ng kaligayahan; yaon ay layunin ng paraiso.
Kaya bakit ang buhay ay pagsusulit? Dahil ang Diyos ay ganap na mabuti. Nais Niya na ang bawat isa sa atin ay maniwala at ang resulta ay makaranas ng walang hanggang kaginhawaan kasama Niya sa Paraiso. Ang Diyos ay ginawang malinaw na nais Niya ng pananampalataya para sa ating lahat: “At hindi Niya pinapayagan para sa Kanyang mga lingkod ang kawalang paniniwala.”
Ito ay malinaw na nagpapakita na ang Diyos ay hindi nais ang sinuman na mapunta sa impiyerno. Gayunpaman, kung ito ay ipapatupad Niya at ipadala ang lahat sa paraiso, kung gayon ay malaking paglabag sa katarungan ang mangyayari. Ang Diyos ay ituturing si Hitler at Hesus na magkaparehas. Isang mekanismo ang kinakailangan upang matiyak na ang mga tao na papasok sa paraiso ay makakapasok base sa merito. Ito ang nagpapaliwanag kung bakit ang buhay ay pagsusulit. Ang buhay ay isa lamang mekanismo para makita kung sino sa atin ang tunay na karapat-dapat sa walang hanggang kaligayahan. Kaya nga, ang buhay ay puno ng mga hadlang, na siyang tumatayong pagsusulit sa ating pag-uugali. Kaugnay nito, ang Islam ay nagbibigay kapangyarihan dahil nakikita nito ang paghihirap, kasamaan, panganib, sakit at mga problema bilang pagsusulit.
Gayunpaman, kung hindi natin malalampasan itong mga pagsubok pagkatapos gawin natin ang lahat, ang awa at katarungan ng Diyos ay titiyaking tayo ay gagantimpalaan sa ibang paraan, maaring sa buhay na ito o sa buhay na walang hanggang naghihintay sa aitn.
Paghiwalay sa Mundo
Ayon sa tradisyon ng Islam, nilikha tayo ng Diyos upang tayo ay sumamba at mapalapit sa Kanya. Ang isang pangunahing prinsipyo tungkol dito ay dapat nating ihiwalay ang ating sarili sa pansamantalang kalikasan ng mundo. Ang mundong ito ay lugar ng mga limitasyon, pagdurusa, pagkawala, pagnanasa, pagmamataas, kalabisan at kasamaan. Ang pagdurusa ay nagpapakita sa atin kung gaanong tunay na mababa ang makamundong buhay na ito, at sa gayon ay mapadali ang ating pagkawalay dito. Sa gayon ay makakaya natin na mapalapit sa Diyos.
Sinabi ng Propeta Muhammad, “Ang pagmamahal sa Mundong ito ang ugat ng lahat ng kasamaan.” Ang pinakamatinding kasamaan ayon sa Islam ay ang pagtanggi at pakikipag-ugnay sa mga katambal sa Diyos; samakatuwid ang paghiwalay mula sa mundo ay kinakailangan upang maabot ang sukdulang espirituwal na hangarin ng pagiging malapit sa Diyos, at kalaunan ay sa Paraiso.
Ang Qur’an ay ginawang napakalinaw na ang mundong ito ay isang mapanlinlang na kasiyahan: “Alamin na ang buhay sa mundong ito ay libangan at panlilinlang at pagpapaganda at pagyayabang sa isa’t isa at pagtatagisan sa pagpapadami ng kayamanan at mga anak – tulad halimbawa ng isang ulan na [nagdulot] ng paglago ng halaman ay nakalulugod sa mga nagtanim; pagkatapos ito ay natuyo at nakikita mo itong nanilaw; pagkatapos ito ay [nakakalat] na mga labi.”
Ang ‘problema’ ng kasamaan at pagdurusa ay hindi problema para sa mananampalataya, dahil ang kasamaan at pagdurusa ay nauunawaan bilang mga gawa ng malalim na karunungan, pagiging perpekto at mabuti ng Diyos. Ang mga espirituwal na turo ng Islam ay lumilikha ng isang pakiramdam ng pag-asa, pagtitiis at kapayapaan. Ang lohikal na mga implikasyon ng ateismo ay siya ay nahuhulog sa isang walang pag-asang kalagayan at walang anumang mga sagot kung bakit umiiral ang kasamaan at pagdurusa. Ang kamangmangan na ito ay karaniwan dahil sa isang pagmamalaki na nagpipigil sa kanila upang makita ang mga bagay sa naiibang pananaw.