This post is also available in: 简体中文 (Chinese (Simplified)) English (English) Português (Portuguese, Portugal) Română (Romanian) Swahili (Swahili)
Halos dalawang bilyong mga Kristiyano at humigit 1.5 bilyong mga Muslim ang naniniwala sa kanya, ngunit si Hesus marahil ang pinaka hindi nauunawaan at hindi nailalarawang tao sa kasaysayan.
Ang aklat na ito ang gumalugad at nagbibigay linaw kay Hesus – sa kanyang buhay, mga katuruan, pagkatao at misyon. Binibigyang diin ang mga pagkakapareho subalit sinusuri din ang pagkakaiba sa pagitan ng Kristiyanidad at Islam.
Ang aklat na ito ay nagpapaliwanag kung saan at paano hinamon ng Quran ang kwento ng tradisyunal na Simbahan. Sa pagsasagawa nito, maipapakita sa mga mambabasa ang makabagbag-damdamin at malinaw na pag-unawa kay Hesus at sa kanyang totoong Mensahe.
Ang aklat ding ito ang magpapakita kung bakit ang Quran ay ang ‘nawawalang kawin’ na lahat ng mahalagang ‘tulay’ na nag-uugnay sa Hudaismo at Kristyanidad, ay pinag-iisa ang lahat ng mga Abrahamikong pananampalataya.
May ganap na sanggunian at balot ng napapanahong pananaliksik, at nakasulat sa paraang mababasa, ang aklat na ito ay mababago ang iyong pananaw kay Hesus at sa kanyang mensahe habang panahon.
Kumuha ng aklat ng LIBRE (English)
Bahagyang pag-silip sa nilalaman ng aklat:
- Kasaysayan ng Trinidad: Ang maraming iba’t-ibang pananaw tungkol kay Hesus sa sinaunang Simbahan at kung papaano ang Trinidad ay nagbago sa nagdaang mga siglo.
- Trinidad sa Bibliya: Bakit ang Trinidad ay hindi maka-bibiliya?
- Si Hesus sa Islam: Papaano naibalik ng Quran ang orihinal, dalisay na monoteismong mensahe ni Hesus?
- Pagkapropeta: Papaano itinama ng Quran ang nabahirang imahe ng mga Propeta ng Diyos sa Bibliya.
- Walang Dugo, Walang Kapatawaran: Bakit ang teolohiya ng Krus ay isinaalang-alang sa pagmamahal, katarungan at awa ng Diyos?
- Ang Pagpapako sa Krus: Bakit ang pagkamatay ni Hesus sa Krus ay ang ang pinaka hindi maunawaang kaganapan sa kasaysayan?
- Pangangalaga: Bakit ang Quran ay ang natatanging Kapahayagan sa kasaysayan na walang bahid na napangalagaan?
- Pablo: Ang kanyang salungatan sa mga disipulo at papaano niya binahiran ang mensahe ni Hesus?
- Ang Pinakamalaking Pagtatakip: Papaano isinulat si Ismael sa Bibliya?
- Ang Propesiya: Papaano nahulaan ng Bibliya ang pagdating ng Arabong Propeta pagkatapos ni Hesus?
Tungkol sa May-akda
Si Abu Zakariya ay nagkaroon ng mahabang panahong interes sa paghahambing sa relihiyon. Bilang ipinanganak sa Britanya at sa impluwensya ng kanyang magkahalong lahing Arabo at Europeong kawin, siya ay nagkaroon ng masidhing pagtuon sa pananaliksik t sa Islam at Kristyanidad.
Pagkatapos ng maraming taong pag-aaral, mga talakayan at itinulak ng hangaring ibahagi ang kanyang mga karanasan sa pagtalakay ng Islam sa mga taong may ibat ibang relihiyosong pinanggalingan, Si Abu Zakariya ay nag-akda ng isang kilalang blog ng paghahambing ng relihiyong
www.manyprophetsonemessage.com. Ipinagpatuloy niya ang kanyang intelektuwal at akademikong hangarin sa pamamagitan ng pormal na pag-aaral at pananaliksik mula sa mga akademikong pantas na bihasa sa larangan ng Islamikong kaisipan at teolohiya.