This post is also available in: 简体中文 (Chinese (Simplified)) English (English) Français (French) Español (Spanish) Português (Portuguese, Portugal) Română (Romanian) Deutsch (German)
Ano pa ba ang natitirang mga salita ang hindi nabanggit?
G.O.D. Ang tatlong maliliit na mga letra na ito ay palagi na lang nag-aanyaya ng samu’t-saring mga malalaking reaksyon.
Ang ating interes sa Diyos ay hindi kailanman naglaho. Ang mga pilosopo , siyentipiko, teologo , at mga pangkaraniwang tao din ay pinagtalunan ang paksang ito ng maraming taon at nagpatuloy na gawin ito.
Ang ilang mga tao ay tumangging tanggapin na ang katanungan patungkol sa Diyos ay mahalaga pa rin, habang ang iba naman ay pinanatili itong sentro sa bawat sandali ng kanilang pag-iral. Ang ilan ay nagdududa kung ang Diyos ay talaga nga bang umiiral. Ang iba ay kasing tiyak sa pag-iral ng Diyos tulad ng kanilang mga sarili!
Bakit mahalaga pa rin ito?
May maraming mga rason kung bakit ang mga tao ay nagpipigil sa pagtalakay sa paniniwala sa Diyos.
Ang ilan ay maaaring simpleng makitang hindi na kailangan ng Diyos sa kanilang buhay, at ang ideya ng pagpapaskop sa mas mataas na awtoridad ay sapat na upang maisara ang buong pakikipag-usap. Para sa iba, ang ideya ng anumang malaking pagbabago sa pamamaraan ng buhay ay masyadong nakakatakot isipin.
Ang iba ay maaaring meron silang negatibong karanasan sa mga taong tinatawag nila ang kanilang sarili na taga-sunod ng Panginoon o isang relihiyon. Katotohanan, marami ang mapapatawad dahil sila’y hindi natukso ng paniniwala, ito’y dahil sa patuloy na paglathala ng pamahayagan (press/media) ng mga negatibong paksa patungkol sa relihiyon.
Nakakatukso rin na alisin na lamang ang lahat ng mga relihiyon, pati na rin ang mga pag-uusap patungkol sa Diyos, at mabuhay katulad ng iba o gawin na lamang ang anumang tila masarap sa pakiramdam sa pagkakataon. Na maaaring tila mabuti nang pansamantala, subalit sa bandang huli, ang mga importanteng mga tanong ay nananatiling hindi nasagot at ang mga ito ay hindi naman talaga kailanman nawala.
Mabuhay sandali sa sitwasyong ito:
Isipin mo na ikaw ay nagising. Natagpuan ang iyong sarili sa isang mabilis na tumatakbong tren. Wala kang ideya kung paano ka napunta roon. Natataranta, tinanong mo ang ibang mga pasahero kung saan patungo ang tren at kung paano ka humantong na naglalakbay sakay nito, subalit sa iyong pagkagulat ay walang sinumang tila may pakialam.
Sa halip, abala sila sa pakikipag-usap, pagkain, at pagbabasa ng kanilang mga diyaryo! Sasali ka na lang ba sa kanila at babalewalain ang iyong kakaibang sitwasyon o magpapatuloy kang maghanap ng kasagutan? Gustuhin mo man o hindi, ikaw ay nasa tren at papunta ka sa kung saan.
Yaon ang mga katotohanan. Katulad din naririto tayo sa Mundo at tayo ay itinapon sa pag-iral; hindi natin pinili na maparito ngunit naririto tayo. Gayundin, ang ating oras ay limitado at tayo ay mamamatay kalaunan.
Ang kamatayan ay isang bagay na ayaw ninumang pag-usapan, gayunpaman ito ay isang bagay na lahat nating sinang-ayunang mangyayari. Pangkaraniwan lamang ang isiping: “Bakit ako naririto?”, “Ano ang aking patutunguhan?”, “Ang kamatayan ba ay ang katapusan, o ibang yugto sa paglalakbay?”
Kung malaliman mong pag-iisipan ang tungkol sa iyong sariling buhay at mortalidad, ang usapin sa pag-iral ng Diyos ay kagyat na mahalaga. Hindi ito para sabihing ang isang tao ay dapat na maniwala sa Diyos dahil lamang sa natatakot sila sa kamatayan; sa halip ay nagdudulot ang kaalaman ng kasagutan sa katanungang kung ang Diyos ay tunay na umiiral nang mas kailangan.
Kung may Diyos, magkagayon ay kailangan nating mapansin at maunawaan kung para saan tayo nilikha. Lahat ng ginagawa natin bilangg tao ay may dahilan. Gayundin, ang mga bahagi ng ating mga katawan ay may natatanging mga layunin. Ang ating mga mata ay para makakita, ang ating mga tainga ay para makadinig, ang ating mga puso ay umiiral upang mag-bomba ng dugo. Kaya may katuturan lamang din naman na tayo rin ay nilikha para sa isang layunin.
“Kaya inakala ba ninyo na kayo ay Aming nilikha ng walang kabuluhan [walang mahalagang layunin], at kayo ay hindi babalik sa Amin?” Ang Qur’an, Kabanata 23, Talata115
Ang Konsepto ng Diyos
Bago natin suriin kung bakit ang paniniwala sa Diyos ay kapwa likas at makatwiran, kailangan nating tukuyin ang pinag-uusapan natin.
Kapag sinabi ng isang taong hindi sila naniniwala sa Diyos, marahil ang unang katanungang dapat nating itanong ay: “Anong uri ng Diyos ang hindi mo pinaniniwalaan?”
Minsan ang dahilan kung bakit nalilito ang mga tao tungkol sa Diyos ay dahil mayroong iba’t-ibang mga konsepto ng Diyos na malabo, nagkakasalungatan, at laban sa pang-unawa. Maaaring ito ang dahilan kung bakit may ilang mga tao ay nag-aangking mga Ateyista.
Halimbawa, ang ideya sa Diyos bilang isang may abuhing balbas na lalaki sa kalangitan, na nakaupo sa isang upuan at nagpupukol ng kidlat sa mga masasamang tao ay isang konsepto na hindi nagbibigay ng katuturan sa maraming kadahilanan.
Una: Ano ba talaga ang kahulugan kung sabihing ang Diyos ay maaari ngang lumikha sa sangkatauhan kung nakakamukha Niya ang sangkatauhan? Kung ganito ang usapin, magkagayon ay makatwiran na tanungin kung sino ang gumawa sa Diyos? Pangalawa: Malinaw na hindi lamang masasamang tao ang tinatamaan ng kidlat, ang mga mabubuting tao ay tila tinatamaan din. Kung ang isang tao ay nagsimula sa isang maling konsepto ng Diyos, hindi na makakagulat na hahantong sila sa pagtanggi sa paniniwala.
Gayunman, may isang konsepto ng Diyos na malinaw at makatwiran. Maaari nating matagpuan ang mga sanggunian nito sa buong kasaysayan at sa buong kultura.Ang ideya na mayroong Tagapaglikha na Siyang Nag-iisa, Walang Hanggan, Sapat sa Sarili at Natatangi. Ang Tagapaglikhang ito-ang Diyos sa anumang pamamaraan ay katulad ng nilikha, o ang nilikha sa anumang pamamaraan ay kapantay o maihahambing sa Diyos.
Tulad ng isang anluwage na kailanman ay hindi magiging o bahagi ng lamesang kanyang nilikha, sa mas mahalagang kadahilanan ang Diyos ay natatangi sa Kanyang nilikha. Walang hindi malinaw o hindi makatwiran sa paniniwalang ito. Sa katunayan, ang konseptong ito ay kapwa malinaw at makatwiran at maipapaliwanag ng mabuti sa mga sumusunod na mga talata ng Qur’an:
“Sabihin: ‘Siya ang Allah, Nag-iisa. Allah, ang As-Samad [ang Ganap at Sandigan o Inaasahan ng Lahat]. [Siya ay] hindi nagkaanak at hindi Siya ipinanganak. At sa Kanya ay walang makakapantay [o makakatulad].’” Qur’an 112”1-4.
Ang Likas na Kalagayan
Itinuturo ng relihiyong Islam na ang bawat tao ay mayroong nang isang uri ng mahalaga at likas na kaalaman sa Diyos na nakatanim na sa kaibuturan ng kanilang sarili, at ang labas ng mundo ay maaaring ilibing o palaguin ang kaalamang ito.
Ipinaliwanag ng Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan) na ang bawat bata ay ipinanganak sa isang likas na kalagayan; gayunpaman, ang magulang at panlipunang epekto ang sumisira nito. Ang likas na kalagayang ito ay isang sumasa kalooban ng tao na kumikilala na may isang Tagapaglikha at, ang Tagapaglikhang yaon lamang ang karapat-dapat ng pagsamba.
Ang mga panlipunang panggigipit , pagnanasa at iba pang mga bagay ay maaaring matakpan ang likas na kalagayang ito ng mga hindi likas na mga paniniwala, tulad ng pagsamba sa mga nilalang na maliban sa Diyos, pagsasatao sa Diyos, o pagtanggi sa Diyos sa kabuuan. Ang paniniwala sa Diyos ay hindi nangangailangan ng makatwirang pagpapatunay.
Hindi ito para sabihing ang pag-iral ng Diyos ay hindi maaaring maunawaan sa pamamagitan ng mga makatwirang argumento, syempre maaari ito. Ang anumang dapat maunawaan ay ang makatwirang argumento ay nagsisilbi lamang bilang mga dahilan upang ilantad ang likas na kalagayan. Ang Qur’an ay nag-aanyaya upang ilantad ang paniniwala sa Diyos sa pagbibigay ng mag dahilan para sa pag-iisip, sa pamamagitan ng paglalahad ng mga ‘palatandaan’ at nag-aanyaya sa kritikal na pakikipag-ugnayan ng isip at puso.
“At ang inyong Diyos iisang Diyos: walang ibang diyos maliban sa Kanya, ang Panginoon ng Awa, ang Tagapagbigay ng Awa. “Sa pagkakalikha ng mga kalangitan at ng kalupaan, at sa pagsasalitan ng gabi at ng araw, at sa mga sasakyang-dagat na naglalayag sa [laot ng] karagatan na may dalang mga pakinabang para sa mga tao, at sa anumang ibinaba ng Allah mula sa kalangitan – ang tubig [o ulan] na nagbigay-buhay sa dati’y tigang na lupa at sa lahat [ng uri] ng mga nilikhang gumagala na Kanyang ikinalat doon at sa pagbabago [ng ihip] ng mga hangin at ng mga ulap na sunud-sunuran [sa Kanyang kautusan] sa pagitan ng kalangitan at ng kalupaan, naririto ang mga ayaat [palatandaan] para sa mga mamamayang nakauunawa.” Qur’an 2:163-164.
Bukod sa mga makatwirang mga argumento, ang traumatiko, negatibo, at matinding mga karanasan ay nag-uudyok din upang ilantad ang ating panloob na paniniwala sa Diyos. Hindi karaniwan na makarinig ng isang taong maniniwala sa Diyos dahil sa ganitong mga pangyayari.
Kahit na ang sangkatauhan ay nananawagan sa Diyos kapag nakaharap nila ang mga ganitong mga karanasan, ay madalas pa rin nilang makalimutan Siya kapag ang kagaangang pagkakataon ay dumating.
“Siya ang nagbigay ng kakayahan sa inyo upang kayo ay makapaglakbay sa mga lupain at karagatan, hanggang nang kayo ay lulan ng sasakyang-dagat, at sila ay kasama nilang nagsipaglayag nang may mabuting [ihip ng] hangin, at sila ay nangagalak doon. [Nguni’t di-naglaon] dumating ang isang unos at ang mga alon ay tumambad sa kanila mula sa lahat ng dako, at [nang] inaakala nilang sila ay napalilibutan [ng panganib], [sila ay] nagsumamo sa Allah (Panginoon), naging matapat sa Kanya sa relihiyon, [na nagsasabing]: “Kung kami ay Iyong ililigtas mula rito, katiyakan na kami ay magiging kabilang ng mga mapagpasalamat.” Nguni’t nang sila ay Kanyang iniligtas, pagmasdan! sila ay sumuway [sa Kanya] sa kalupaan nang walang katuwiran. O sangkatauhan, ang inyong pagsuway ay laban sa inyong mga sarili, [ito ay isa lamang maikling] kasiyahan ng makamundong buhay, pagkaraan, [sa huli] sa Amin ang inyong pagbabalik. At Aming ipagbibigay-alam sa inyo ang anumang inyong lagi nang ginagawa.” Qur’an 10:22-23.
Hindi mo na rin kailangang mapunta sa isang kakila-kilabot na sitwasyon upang maalala ang Diyos. Ang pagkuha ng ilang mga sandali at pagmumuni patungkol sa hindi maiiwasang pagharap sa kamatayan, at ang walang halagang kalikasan nitong napakaikling buhay ay sapat na isaalang-alang muli ang iyong relasyon sa Diyos.
Ang iba pang dungawan ng pagkakataon upang ilantad ang ating likas na kalagayan ay ang espirituwal na mga karanasan na nakakamit sa pagsamba.
Kahit pa ikaw ay nagkataong hindi sigurado na ang Diyos ay umiiral, ay ang espirituwal na karanasan ay maaaring makapagbibigay sa iyo ng katiyakan na walang makatwirang argumento ang maaari. Bilang tao, nilikha tayo mula sa pisikal na bagay, ngunit mayroon din tayong espirituwal na dimensiyon. Walang sukat ng pisikal na kasiyahan, ito man ay mula sa pagkain, pakikipagtalik, katanyagan, o iba pang maaaring makakapuno sa ating espirituwal na pangangailangan. Ito ay bagay lamang na ang kaugnayan sa Diyos ang maaaring makasapat, at kailangan na ito ay maranasan upang mapahalagahan at maintindihan. Ito ay parang paglalarawan ng isang bagong putahe sa isang tao, wala sa sasabihin mo ang maaaring magpahalaga sa nakalulugod na mga lasa at mga laman. Kailangan nilang makain ito mismo.
“Yaong mga naniwala at panatag ang kanilang mga puso sa pamamagitan ng pag-alaala sa Allah. Walang alinlangan, matatagpuan sa pag-alaala sa Allah ang kapanatagan ng mga puso. Yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matuwid – kanilang malalasap [ang mabuting kasiyahan] at isang mabuting pagbabalik.” Qur’an 13:28-29
Ang Paglikha sa Sansinukob
Sa Qur’an, ang Diyos ay direktang itinanong sa atin ang paniniwala. Sa pamamagitan ng serye ng mga katanungang nakakaakit sa ating makatwirang pag-iisip, tayo ay sinabihan na mag-isip patungkol sa pinagmulan ng ating mga buhay; hindi bilang isang siyentipiko o pilosopo (gayong sila, siyempre, inaanyayahan din!), kundi bilang isang tao na may kakayahan sa pangangatwiran at kritikal na pag-iisip. Upang iugnay tayo sa pang-intelektuwal, ang Diyos ay nagbigay ng ilang makatwirang mga paliwanag sa kung paano ang lahat ay lumitaw sa pag-iral.
“O sila ba ay nilikha mula sa walang [pinagmulang] bagay, o sila ang mga tagapaglikha ng kanilang mga sari-sarili? O sila ba ang lumikha sa mga kalangitan at sa kalupaan? Bagkus, sila ay walang katiyakan [sa paniniwala].” Qur’an 52:35-36.
Ang bawat isa sa posibleng mga paliwanag na ito ay maaaring hatiin sa mga sumusunod na pagpipilian:
- Tayo ay nilikha mula sa wala;
- Nilikha natin ang ating sarili;
- Nilikha tayo ng isang bagay na nilkha ang kanyang sarili;
- Nilikha tayo ng isang bagay na hindi nilikha.
Bagama’t ang mga paliwanag na ito ay tumutukoy sa sangkatauhan, ay maaari rin itong gamitin sa anumang bagay na nagsimulang umiral, o anumang bagay na lumitaw. Ang sansinukob ay hindi palagi sa pag-iral, ito ay minsang nagsimulang umiral. May mga maraming argumeto na sumusuporta sa paniniwalang ito. Halimbawa, may mga pilosopikal, matematikal, at empirikal na katibayan na sumusuportang ang sansinukob ay minsang nagkaroon ng simula. Hindi masasaklaw ng libretang ito ang tunguin ang mga detalye tungkol sa pagpapatunay sa pagsisimula ng sansinukob; gayunpaman, matatagpuan mo ang mga sumusunod na mga sanggunian na kapaki-pakinabang.2
Bilang ang sansinukob ay may simula, ang posibleng mga paliwanag na nabanggit sa itaas ay maaaring magamit sa mga sumusunod na pagpipilian:
- Ang kalawakan ay nilikha mula sa wala;
- Ang kalawakan ay nilkha ang kanyang sarili;
- Ang kalawakan ay nilkha ng isang bagay na nilkha ang kanyang sarili;
- Ang kalawakan ay nilikha ng isang bagay na hindi nilikha.
Ang kalawakan ay nilikha mula sa wala. Ito ang unang pagpipilian. Para ipaliwanag ang termino, ang “wala” ay ang hindi pagkakaroon ng lahat- maging bagay, lakas, materyal o di-materyal na mga bagay, o anumang panandaliang kondisyon. Ang tingnan ang sansinukob at ang ating mga sarili na bagay na nagmula sa walang potensiyal, walang bagay, wala talaga – ay isang mapaglarong ideya na balutin ang ating mga ulo palibot. Ang pangunahing lohika ay maaaring magdikta na mula sa wala, walang magmumula.. Mula sa mayroon, mayroong magkakaroon. May bagay ba na lilitaw kapag walang pananahilang mga kondisyon upang palitawin ito sa pag-iral? Ang simpleng mungkahi dito ay magtatapos sa kakatwa, hayaan na lamang na panghawakan ito bilang isang paniniwala. Ito ay parang pagsasabi na anumang bagay ay maaaring mangyari nang walang pananahilang kondisyong sinundan nito. Ang isang gusali ay maaaring biglaang mawala at wala tayong iisipin patungkol rito: isang bungkos ng kuneho ay maaaring lumitaw sa iyong hardin at maaari mong isiping ito ay ganap na makatwirang basta na lamang isiping ang mga ito ay lumitaw sa pag-iral. Ito ay hindi isang senaryong sinuman sa atin ay maaarfing tanggapin bilang lohikal. Ang ilan ay maaaring makipagtalo: kung ang anumang bagay ay hindi maaaring magmula sa wala, magkagayon papaano ang Diyos nakalikha mula sa wala?
Kahit na ang mga Islamikong pantas ay tumutukoy sa Diyos na lumilikha mula sa wala, ang gawang paglikhang ito ay nangangahulugan na walang materyal na bagay. Gayunpaman, hindi maaaring ipalagay na walang pananahilang kondisyon o potensiyal. Ang kalooban ng Diyos at kapangyarihan ay ang pananahilang mga kondisyon upang ilitaw ang sansinukob sa pag-iral.
Ang sansinukob ay nilkha ang kanyang sarili. Ang sansinukob ay nilika ng isang bagay na nilkha para likhain ang sarili ay nangangahulugang ang sansinukob ay hindi umiral bago lumitaw. Paano ang isang bagay ay lilikhain ang kanyang sarili, kapag ito ay hindi pa rin minsang nasa pag-iral? Ang isang babae ba ay maaaring ipanganak ang kanyang sarili? Ito rin ay tatayong dahilan, na kung ang isang bagay ay hindi pa minsang umiral, maaari ba itong magkaroon ng kapangyarihan para lumikha ng anuman, hayaan lamang siya sa kanayang sarili? Ito ang dahilan kung bakit ang katangian ng Diyos ay “ang Walang Hanngan” (at samakatuwai hindi nilikha) ay nagiging napakahalagang isaalang-alang. Kung ipapalagay natin na ang sansinukob ay nililka ng ibang bagay na nilkha, ang susunod na tanong ay siguradong magiging: ano ang lumikha sa nilikhang bagay na iyon?
Kapag nagkaroon na tayo ng kasagutan sa tanong na ito ay susulong tayo sa isa pang hakbang na “ano ang lumikha sa nilikhang bagay na iyon na lumikha sa nilikhang bagay na iyon…” ? at magpapatuloy pa. Maaari pa tayong magpatuloy sa ‘hakbang’ na ito sa kawalang katiyakan. Ito ay bagay na tinatawag na ‘walang hanggang dahilan ng pinagmulan.’ Ito ay mananatiling magtatanong sa atin na balatan ang mga suson sa bawat yugto kasama ang “at pagkatapos?” “at pagkatapos?” “at pagkatapos?” bilang ating kasagutan, hindi alintanang ilang beses na ito nasagot.. Ang sansinukob – na isang nilikhang bagay – ay hindi maaari, sa anumang kadahilanan, ay likhain ng isang bagay na nilikha ang kanyang sarili, ad infinitum. Ang ibang paraan ng pag-iisip tungkol rito ay inilarawan sa sumusunod na mga halimbawa. Isipin mo na gusto mong maglakad papasok sa isang opisina sa isang gusali. Ang bantay ay nagsabing hindi ka maaaring pumasok dahil kailangan pa niyang humingi ng pahintulot sa kanyang tagapamahala, ang tagapamahala ay nagsabing kailangan niya humingi ng pahintulot sa kanyang may bahay, ang may bahay ay nagsabing kailangan niyang ipaalam sa kanyang pinsan, at magpapatuloy pa magpakailanman, hindi ka na kailanman makakapasok sa gusaling iyon sa ganoong kaso. Mayroon dapat isang tao na magbibigay sa iyo ng pahintulot na makapasok na hindi na umaasa sa iba pa. Sa madaling salita, dapat magkaroon ng unang pinagmulan na walang pinagmulan. Gayundin, ang sansinukob ay dapat na may unang pinagmulan.
Ang kalawakan ay nilikha ng isang bagay na hindi nilikha. Sa pamamagitan ng isang proseso ng eliminasyon, tayo ngayon ay nakarating sa huling pagpipilian: na ang sansinukob ay nilikha ng isang bagay na hindi nilikha. Isaalang-alang ang nakaraang pagpipilian (na hindi dapat magkaroon ng walang hanggang kawin ng pansamantalang mga pinagmulan) kung gayon ay ating mapagtitibay ng makatwiran na ang pinagmulan ng pag-iral ay nagmula sa isang bagay na hindi umaasa sa iba at hindi nilikha sa sarili nito. Kung ang may hangganang mga bagay ay umiiral, magkagayon ay inilitaw sila ng isang bagay na laging umiiral. Bilang isa sa Kanyang mga natatanging katangian, ang Diyos ay nagsasabi sa atin na Siya ay hindi nilikha, ni Siya ay katulad ng Kanyang mga nilikha sa anumang pamamaraan. Siya ay “ang Una” at walang simula, at “ang Huli” at walang katapusan, at “ang Walang Hanggan”. Samakatuwid, ang katanungang ‘sino ang lumikha sa Diyos?’ ay walang katuturan, dahil ito ay parang sinasabing “Sino ang lumikha sa hindi nilikhang Tagapaglikha?’
“Siya ang Una at ang Huli, ang Mataas at ang Malapit. At Siya ay Maalam sa lahat ng bagay.” Qur’an 57:3.
Ang Dinisenyong Sansinukob
Sa Qur’an, ang Diyos ay hiniling sa iyo na tumingin palabas at gayundin ay tumingin paloob. Mayroong na umiiral ng malawakan sa ating paligid at sa kaibuturan mismo ng ating mga sarili. Ang ating mga katawan na ating kinalalagyan ay itinuturing na isang milagro ng biyokimikong Inhinyeriya. Mayroong maselan, tiyak na balanse na kung saan ang sansinukob ay tumatakbo at isang nakasaayos na “arkitekturang kosmiko”, na tumutukoy sa makabuluhang disenyo. Sa pagtingin lamang sa labas ng ating bintana, ay patuloy nating masasaksihan ang isang mundong tumatakbo sa mga siklo at mga kabaligtaran. Ang mga paglipas ng panahon , at pagdaan sa isang itinakdang pagkakasunod-sunod-na nagdadala sa mga ito ng mga pagbabago sa Mundo. Ang tubig ay naghahanapng daan palibot sa siklo na may istruktura at kalakaran. Ang buwan ay nagdadaan sa mga yugto na naghuhudyat ng paglipas ng mga oras. Araw at gabi ay hindi tumitigil sa kalakaran nito, hindi alintana kung anong uring panahon ang araw ay sisikat o lulubog para sa atin.
Ang mga ito ay ilan sa pinaka-pangunahing mga bagay na ang hindi hirating mga mata ay maililistang kalakaran ng kalikasan. Siyempre mayroong walang katapusang iba pang walang katapusang mga masalimuot at kakaibang mga halimbawa na kasing dami tulad ng mga nakagaganyak sa mga ito habang lumalalim ang pananaliksik mo sa mga ito. Lahat ng bagay sa loob ng sansinukob ay sumusunod sa batas na-kung naiiba-ay hindi maaaring hayaan ang masalimuot mitikulosong buhay na lumago. Lahat ng mga nakikita nating pisikal na kababalaghan sa ating paligidi (mula sa mga katawang selestiyal, sa mga tao, hayop, halamanan, ang pagpapalit ng araw at gabi) ay mga sanggunian bilang katibayan ng banal na kaayusan sa Qur’an. Ang Diyos ay natatanging tumuon sa balanse at pagkakaisa kung saan ang lahat ng bagay ay nilikha:
“Ang Mahabagin. [Kanyang] itinuro ang Qur’an [sa tao], [kanyang] nilkha ang tao.[At] itinuro sa kanya ang kahusayan [sa pananalita at pagbibigkas]. Ang araw at ang buwan [ay umiinog] sa wastong bilang. At ang Najm
(bituin) at mga punong-kahoy ay [kapwa] nagpapatirapa. At ang langit ay Kanyang itinaas [ng matayog], at [Kanyang] itinakda ang timbangan [ng katarungan] upang [sa pamamagitan nito] kayo ay hindi lumabag sa timbangan [ng katarungan]. At inyong panatilihin [o pamalagiin] ang timbangan ng pantay [at walang pandaraya] at huwag ninyong kukulangan [o babawasan] ang timbang. At ang kalupaan ay Kanyang inilatag [ng malawak] para sa mga nilalang. Doon ay [matatagpuan ang mga] prutas at mga punong palmerang may mga talupa [na bungang datiles]. At butil na may mga uhay at mga mababangong [luntiang] halaman. Kaya [O kayong mga tao at jinn] alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?” Qur’an 55:1-13.
Ang Qur’anikong paraang ito ay kasabay sa ideya na ang sansinukob na mayroon tayo ay may mga pisikal na mga batas na ganap na inayos para sa buhay- sa natatanging pag-iral ng tao. May sensitibong kaayusan sa likas na mga batas ng sansinukob, na pinapayagan na ang buhay ay umiral. Kung wala ang mga ito gaya ng kung ano ang mga ito, ay ang masalimuot na buhay ay hindi magiging posible. Isaalang-alang natin ang grabidad bilang halimbawa. Ito ay isang lakas ng atraksyon sa pagitan ng dalawang masa. Kung wala ito ay hindi magkakaroon ng lakas na magbubuo sa mga bagay. Ito ay nangangahulugang walang mga bituin (o mga planeta) at samakatuwid walang nagpapanatiling pagmumulan ng enerhiya na mangangasiwa sa buhay. Ang lahat ay magiging isang madilim, na bakanteng basyo.
Ang iba pang kawili-wiling halimbawa ay ang elektromagnetikong lakas. Ang natatanging lakas na ito ay naaapektuhan ang lahat ng bagay sa sansinukob at ito ang responsable sa pagbibigay ng lakas, hugis, tibay sa mga bagay. Ang mga atomo ay hindi iiral kung wala ito dahil walang hahawak sa mga dagisik sa orbita. Kung walang mga atomo, ay walang buhay. Ang elektromagnetikong lakas din ang dahilan paghahalo ng mga kemikal sa pamamagitan ng pagsasama ng mga karga. Kung wala rin ito, ang buhay ay hindi iiral. Ang nakakamanghang katotohanantungkol sa elektromagnetikong lakas ay isa lamang itong isang pwersang lakas, ngunit sumasapat ito sa iba’t-ibang mga pangangailangan. At ang pinakapunto rito, ay ang pwersa ng lakas ng mga ito ay labis na tiyak. Mayroong napakaliit na puwang patra sa mga ito na magbago na ang buhay ay hindi maging imposible.
Ang kaayusan ng sansinukob ay nagpapakita ng masalimuot na kaayusan na pinapayagan ang buhay para lumago. Kung wala ito sa kaayusan malamang ay hindi basta lalago ang buhay. Maraming mga halimbawa; gayunpaman, ang kaunting seleksyon dito ay sapat na para maipaliwanag ang kaayusang ito sa katuparan. Isaalang-alang ang posisyon ng ating planeta. Ang isa sa mga sumusuporta upang magkaroon ng buhay dito sa ating planeta ay ang agwat nito mula sa araw. Ang Mundo ay nasa lugar na tinatawag na “tirahang sona”. Ang rehiyong ito ay kinikilala bilang ang “rehiyon kung saan ang init mula sa gitnang bituin ay nagbibigay ng isang planetaryong labas na temperatura kung saan ang tubig dagat ay hindi magyeyelo ni hihigit sa punto ng pag-kulo. Kung ang ating planeta ay kahit papaanong lumapit sa araw, ito ay maaaring maging napakainit upang tirahan ng buhay. Kung ito ay mapalayo, ito ay maaring maging napakalamig upang tirahan ng masalimuot na buhay tulad mo at ako..
Dapat ring isipin na ang Mundo ay may kalapit na selestiyal na katabi: Ang Jupiter. Ang pagkawala ng malaking planeta na ito na ng Gas sa ating sistemang solar ay magkakaroon ng matinding mga implikasyon para sa pamumuhay sa Mundo. Ito ay dahil ang Jupiter ay nagsisilbing pangkalawakang pananggang kosmiko. Hinaharangan nito ang mga kometa o asteroyd na maaaring tumama sa ating planeta. Ito ay dahil sa kanyang grabitasyunal na paghila, kung saan, “hinihigop” nito ang mga asteroyd. Kung wala ang malapit na katabi ang malaking planeta ng gas, ang pag-unlad ng pasulong na buhay ay maaaring hindi basta maging posible.
Si Rebecca Martin, isang NASA Sagan Fellow na nag-aaral ng impluwensya ng Jupiter ay nagsabi:
“Ang aming pag-aaral ay nagpapakita lamang ng maliit na bahagi ng mga planetaryong sistema na naobserbahan sa kasalukuyan na tila mayroong dambuhalang mga planeta sa tamang lokasyon upang magbigay ng asteroid belt ng angkop na sukat, na nag-aalok ng potensiyal para sa buhay sa isang kalapit na mabatong planeta… Ang aming pag-aaral ay nagmumungkahi na ang ating sistemang solar ay maaaring maging katangi-tangi.”
Isipin mo ang lunar na mga alon. Ang tila malaking sukat ng buwan ng Mundo ay responsable para sa mga alon dahil sa grabitasyunal na paghila. Pagkatapos ng kaayusan ng buwan, ito ay mas napalapit sa Mundo kasya sa ngayon, subalit ang kalapitan nito ay sandaling natirahan. Kung ang buwan ay hindi napaurong ay maaaring nagkaroon masinsinang mga epekto sa ating planeta. Kabilang dito ang pag-init sa ibabaw ng Mundo, na maaating hadlangan ang masalimuot na buhay sa paglitaw. Ang mas malapit na buwan ay maaaring magbanat sa balat ng Mundo at magbigay ng init sa pagkiskisan, na posibleng tumunaw sa ibabaw nito. Isipin ang katatagan ng kiling ng pag-ikot ng aksis ng Mundo, na kung saan ang buwan ay responsable para dito. Ang anggulo ng kiling na may kaugnayan sa patag na orbita ay nananatiling halos pirmis. Ito ay nananatiling matatag sa daang milyong taon dahil sa grabitasyunal na paghila ng buwan. Kung ang buwan ay mas maliit, o nasa ibang lokasyon kaugnay sa Araw at Jupiter, ito ay hindi magbibigay ng mahabang panahong katatagan sa temperatura ng Mundo..
Kung ang ating planeta ay hindi ganap na nagkaroon ng buwan, ang klima ay maaaring maging nagbabago, matindi at laging nagbabago. Ang mga maliliit na organismo ay maaring lumitaw mula dito, subalit hindi ang masalimuot na buhay gaya ng nakikilala natin . Ang pag-iisip sa mga pisikal na batas na ito gayundin ang mga kahanga-hangang kaayusan ng sansinukob ay nagpapakita ng sinadyang disenyo sa likod ng kosmos. Ang mga taong pinupunuan ang kosmos na ito, ay milagro din ng disenyo at paggana. Ang pisikal na katawan kasama ang lahat ng magkakaugnay na mga sistema nito ay kilala bilang isa sa pinaka masulong na mga istraktura sa buong sansinukob. Araw-araw tayo ay nakikisama sa mga bago at kahanga-hangang mga tuklas tungkol sa kung papaano ang mga bahagi ng ating mga katawan ay gumagana-mula sa malawak na impormasyon sa ating DNA hanggang sa kung papaano ang ating mga mata at utak ay gumagana ng magkasama upang puminta ng larawan ng Mundo na nakikita natin. Kapag tumingin tayo sa biyolohiyang mundo ay nakikita natin ang likas na mga teknolohiya na nalalampasan ang anumang maaaring bagayan ng tao. Ang lahat ng mga palatandaan sa loob ng kosmos ang sa loob ng ating mga sarili ay dapat mag-akay sa atin sa paghanga sa malikhaing kapangyarihan ng Diyos. Ang katanbgi-tanging disenyo ay nasa lahat ng paligid natin. Maaaring gumugol tayo ng habang buhay na naghahanap ng kung ano ang nasa harapan na natin.
“Aming ipakikita sa kanila ang Aming mga ayaat [mga tanda] sa buong [abot-tanaw ng mga alapaap o] santinakpan, at sa kanilang mga sarili, hanggang maging malinaw sa kanila na ito ang katotohanan. Hindi pa ba sapat na ang iyong Panginoon ang Siyang Saksi hinggil sa lahat ng bagay?” Qur’an 41:53.
Ang Buod sa Diyos
Bilang ang Diyos ay nilikha ang lahat, patuloy Niyang tinustusan ang buong kosmos at nagdulot sa atin mula sa Kanyang biyaya. Ang Qur’an ay patuloy na inuulit ang konseptong ito sa iba’t-ibang mga paraan. Ito, bilang kapalit, ay pumupukaw ng diwa ng pasasalamat at paghanga sa puso ng tagapakinig o mambabasa:
“Siya ang lumikha para sa inyo ng lahat ng anumang nasa kalupaan.” Qur’an 2:29.
“[Subali’t] ang Allah ay Mataas nang higit kaysa sa anumang kanilang itinatambal sa Kanya. Kanila bang itinatambal [sa Allah] ang mga walang nalilikha bagkus sila ay mga nilikha [lamang]?” Qur’an 7:190-191.
“O sangkatauhan, inyong alalahanin ang pagpapala ng Allah sa inyo. Mayroon pa bang ibang tagapaglikha bukod sa Allah na nagbibigay panustos sa inyo mula sa kalangitan at kalupaan? Walang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya. Kaya, paano nga bang kayo ay nalinlang?” Qur’an 35:3.
Samakatuwid, lahat ng ating ginagamit sa ating pang-araw-araw na mga buhay, at lahat ng mga mahahalagang bagay na kailanagn natin para mabuhay, ay ukol sa Diyos. Bilang ang Diyos ay nilikha ang lahat ng umiiral, Siya ang nagmamay-ari at panginoon ng lahat, kabilang tayo. Kaya naman, dapat tayong manindigan sa isang diwa ng paghanga at pasasalamat sa Kanya. Bilang ang Diyoa ay ang ating panginoon, dapat tayong maging Kanyang mga alipin. Ang tanggihan ito ay hindi lamang pagtanggi sa katotohanan, kundi ito ang taas ng kawalang utang na loob, pagmamalaki at kawalang pasasalamat. Tayo ay hindi sapat sa saril, kahit na ang ilan sa atin ay hibang sa pag-iisip na tayo nga. Maging tao ay nabubukay sa buhay ng karangyaan at kagaangan o kahirapan at pagdurusa, tayo ay sukdulang umaasa sa Diyos. Wala sa sansinukob na ito ang posible nang wala Siya at anumang mangyari ay ukol sa Kanyang kalooban. Ang ating tagumpay sa negosyo at ang malalaking mga bagay na maaati nating makamit ay sukdulang dahil sa Diyos. Kanyang nilikha ang pananahilan sa sansinukob na ginagamit natin upang makamit angb tagumpay, at kung hindi Niya payagan tayo na magtagumpay ay hindi kailanman mangyayari. Ang pag-unawa sa ating sukdulang pag-asa sa Diyos ay dapat pumukaw ng napakalawak na diwa ng pagpapakumbaba sa ating mga puso.
Tayo ay dapat ipagkumbaba ang ating mga sarili sa harap ng Diyos at pasalamatan Siya, bilang isang anyo ng pagsamba. Ang isa sa pinakamalaking mga hadlang sa banal na patnubay at awa ay ang kahibahang ng sariling kasapatan, na sukdulang batay sa kapalaluan at pagmamalaki. Ang Qur’an ay ginawa ang puntong ito nang malinaw:
“Sapagka’t kanyang nakikita ang kanyang sarili na sapat [nag-aakalang siya ay walang pangangailangan]. Katotohanan, sa iyong Panginoon ang pagbabalik [ng lahat].” Qur’an 95:6-7.
Ang paniniwala sa Diyos ay hindi lamang basta isang kathang ideya; ito ay may malalim na matalinhagang kahulugan sa ating pang-araw-araw na mga buhay. May mga malalalim na mga katanungan kung saan ang ating mga puso ay naghahangad sa katanggap-tanggap na mga kasagutan.: Ano ang layunin ng buhay? Ano ang dahilan ng ating pagparito at ano ang mangyayari pagkatapos nating mamatay? Paaano natin makakamit ang panloob na kapayapaan?Bakit ang kasamaan ay nararanasan ng mabubuting mga tao? Ang mga tao bang gumagawa ng masama at talagang makakatakas sa katarungan o makikita ba nila ang makatarungang mga gantimpala sa susunod na buhay? Ang paniniwala sa Diyos ay nagdudulot sa ating gumalugad ng mga kasagutang na may makatwirang katuturan at gayundin ang kaliwanagan. Ito ay dahil ang katanggap-tanggap na mga kasagutan sa mga katanungang ito ay maaarti lamang makatwirang magmula mula sa Tagapaglikha ng lahat ng bagay na ang Kanyang karunungan, pananaw at kaalaman ay nasasaklawan ang ating kailanman ay hindi maaari.
“Katotohanan, ang kahalintulad ng makamundong buhay [na ito] ay tulad ng tubig [ulan] na Aming ibinaba mula sa kalangitan na sinisipsip ng mga halaman sa lupa – [ito] ang pinagkukunan ng tao at ng mga hayop para kainin hanggang, kapag kuhanin ng lupa ang [pangangasiwa nito upang ayusin ang] palamuti nito at pagandahin, at ang mga mamamayan nito ay nag-aakalang sila ay may kakayahang mapanatili ito [habang panahon nguni’t] ito ay dinatnan ng Aming [takdang] kautusan sa gabi at sa araw. Kaya ito ay Aming nagawang [ipatupad sa pamamagitan ng] pag- ani, na wari bang ito ay hindi yumabong [o namukadkad] kahapon. Ganyan Namin ipinaliliwanag nang masusi ang mga palatandaan para sa mga taong nag-iisip. At ang Allah ay nananawagan tungo sa tahanan ng kapayapaan at nagpapatnubay sa sinumang Kanyang nais tungo sa matuwid na landas. Para sa mga gumawa ng mabuti, [ito] ang pinakamainam [na gantimpala] at – may karagdagan pa. Walang dilim ang tatakip sa kanilang mga mukha o ng kahihiyan. Sila yaong mga maninirahan sa Paraiso, sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan. At yaong mga nagsumikap para sa masasamang gawain, ang kabayaran ng isang kasamaan ay ang nakakatulad nito, at ang kahihiyan ay tatakip sa kanila. Sila ay hindi magkakaroon ng tagapagtanggol mula sa Allah. Ang kanilang mga mukha ay wari bang tinakpan ng mga piraso ng gabi – sadyang madilim. Sila yaong mga maninirahan sa Apoy; sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan.” Qur’an 10:24-27.
Kung ang libretang ito nakagising sa iyo ng ilang diwa ng pagkamangha tungkol sa Diyos (o kahit iniwanan kang nalilito) humiling lamang sa Diyos ng patnubay, nang tapat mula sa kaibuturan ng iyong puso. Kanayang papatnubayan ka upang makilala ang Kanyang mga palatandaan at mahanap ang kapayapaan ng puso, upang maaarti mong mahanap ang katiwasayan sa buhay na ito at ang susunod.
Mga Sanggunian
- Karamihan sa libreatyang ito ay halaw sa iba’t-ibang bahagi ng Kabanata 2, 4, 5, 8 at 15 ng aklat ni Hamza Andreas Tzortzis’s na“The Divine Reality: God, Islam & The Mirage of Atheism” inilathala ng FB Publishing, 2016.
- Hamza Andreas Tzortzis. The Divine Reality: God, Islam & The Mirage of Atheism. FB Publishing, 2016. Kabanata 5.
- ‘No Jupiter, no advanced life? ’ – evolution may be impossible in Star Systems without a giant planet (2012). Available at: http://www.dailygalaxy.com/my_ weblog/2012/11/would-advanced-life-be-impossible -in-star-systems-without-a-jupiter-.html [Accessed 2nd October 2016].