This post is also available in: English (English) Español (Spanish) Português (Portuguese, Portugal) Română (Romanian) Swahili (Swahili)
Ang salitang “Muslim” ay nangangahulugang siyang nagpapasakop sa kalooban ng Diyos, anuman ang kanyang lahi, nasyonalidad, o etnikong pinagmulan. Ang pagiging isang Muslim ay isang simple at madaling proseso na hindi humihingi ng mga pangangailangan. Siya ay maaaring magbalik-Islam nang nag-iisa nang pribado, o maaaring gawin niya ito sa harapan ng iba.
Kung ang sinuman ay may totoong pagnanais na maging isang Muslim at may buong pananalig at matatag na paniniwala na ang Islam ay ang tunay na relihiyon ng Diyos, kung gayon, ang kailangan lamang niyang gawin ay ang ipahayag ang “Shahada”, ang pagsaksi ng pananampalataya, nang walang karagdagang pag-aantala. Ang “Shahada” ay ang una at pinakamahalaga sa limang haligi ng Islam.
Sa pagbigkas ng pagsaksing ito, o “Shahada”, nang may taimtim na paniniwala at pananalig, siya ay pumapasok na sa relihiyon ng Islam.
Sa pagpasok sa relihiyon ng Islam ng alang-alang lamang sa Kaluguran ng Diyos, ang lahat ng kanyang mga naunang kasalanan ay pinapatawad, at siya ay magsisimula ng isang bagong buhay ng kabanalan at katuwiran. Sinabi ng Propeta sa isang taong naglagay ng kundisyon sa Propeta sa pagtanggap ng Islam, na papatawarin ng Diyos ang kanyang mga kasalanan:
“Hindi mo ba alam na ang pagtanggap ng Islam ay nagwawasak sa lahat ng mga kasalanan na nauna rito?” (Sinabi) ng Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan).
Kapag siya ay tinanggap ang Islam, siya sa diwa ay magsisi mula sa mga paraan at paniniwala ng kanyang nakaraang buhay. Siya ay hindi dapat labis na magpasanng mga kasalanang kanyang nagawa bago ang kanyang pagtanggap. Ang kanyang talaan ay malinis, at ito ay parang kakasilang pa lamang sa kanya mula sa sinapupunan ng kanyang ina. Siya ay dapat subukan hangga’t maaari na mapanatiling malinis ang kanyang mga talaan at magsikap na gumawang maraming mabubuting gawa hangga’t maaari.
Ang Banal na Quran at Hadith (propetikong kasabihan) ay parehong binigyang diin ang kahalagahan ng pagsunod sa Islam. Ang Diyos ay nagsabi:
“… Ang tanging relihiyon sa paningin ng Diyos ay Islam …” Ang Quran 3:19.
Sa ibang talata ng Qur’an, ang Diyos ay nagsabi:
“Kung may nagnanais ng isang relihiyon maliban sa Islam, hindi kailanman ito tatanggapin sa kanya; at sa Kabilang Buhay, siya ay mapapabilang sa mga talunan (ang kanilang mga sarili sa apoy ng Impiyerno).” Ang Quran 3:85.
Sa isa pang kasabihan, si Muhammad (sumakanya ang kapayapaan), ang Propeta ng Diyos, ay nagsabi:
“Sinumang nagpapatotoo na walang sinumang karapat-dapat sambahin maliban sa Diyos, na Siyang walang katambal, at si Muhammad ay Kanyang alipin at Propeta, at si Hesus ay Alipin ng Diyos, Kanyang Propeta, at Kanyang salita na Kanyang ipinagkaloob kay Maria, at isang espiritu na nilikha mula sa Kanya; at ang Paraiso (Kalangitan) ay totoo, at ang Apoy ng impiyerno ay totoo, sa huli, ay papasukin siya ng Diyos sa Paraiso, ayon sa kanyang mga gawa.” Saheeh Al-Bukhari.
Ang Propeta ng Diyos, nawa’y ang pagpapala at awa ng Diyos ay suma kanya, ay iniulat din:
“Tunay na ipinagbawal ng Diyos na manirahan magpakailanman sa Impiyerno ang taong nagsasabing: “Pinatototohanan ko na walang may karapatang sambahin maliban kay Allah (Diyos),’ na hinahangad dito ang Mukha ng Diyos.” (Sinabi ng) Propeta Muhammad (ang kapayapaan ay sumakanya).
ANG DEKLARASYON NG TESTIMONYA (SHAHADA)
Upang magbalik Islam at maging isang Muslim ang isang tao ay kailangang ipahayag niya ang nasa ibabang testimonya nang may pananalig at pag-unawa sa kahulugan nito:
Ako’y sumasaksi, “La ilaha illa Allah, Muhammad Rasoolu Allah.”
Ang kahulugan nito ay:
“Ako’y sumasaksi na walang diyos na karapat-dapat na sambahin maliban kay Allah, at si Muhammad ay Sugo (Propeta) ng Diyos.”
Kapag ang sinuman ay ipinahayag ang pagsaksing may pananalig, kung gayon siya ay naging isang Muslim. Maaari itong isagawa nang mag-isa, ngunit mas mainam na isagawa kasama ang isang tagapayo sa pamamagitan ng “Live Help” sa itaas, kaya maaari ka naming tulungan sa paghahayag nito ng tama at mabigyan ka ng mahalagang mapagkukunan para sa mga bagong Muslim.
Ang unang bahagi ng pagsaksi ay binubuo ng pinakamahalagang katotohanan na inihayag ng Diyos sa sangkatauhan: na walang banal o karapat-dapat na sambahin maliban sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Ang Diyos ay nagsabi sa Banal na Quran:
“Ipinadala Namin ang lahat ng mga sugo na nauna sa iyo kasama ang kapahayagang ito: Walang diyos maliban sa Akin, kaya sumamba lamang sa Akin.” Quran 21:25.
Ipinapahiwatig nito na ang lahat ng mga anyo ng pagsamba, ito man ay sa pagdarasal, pag-aayuno, pagsusumamo, pagpapakupkop, at pag-aalay ng isang hayop bilang sakripisyo, ay dapat na ituon sa Diyos lamang. Ang pagtuon ng anumang anyo ng pagsamba maliban sa Diyos (maging sa isang anghel, isang sugo, kay Hesus, kay Muhammad, isang santo, isang idolo, sa araw, sa buwan, isang puno) ay itinuturing bilang isang pagsalungat sa pangunahing mensahe ng Islam, at ito ay isang hindi mapapatawad na kasalanan maliban kung ito ay pinagsisihan bago siya mamatay. Ang lahat ng mga anyo ng pagsamba ay dapat na ituon sa Diyos lamang.
Ang Pagsamba ay nangangahulugang ang pagsasagawa ng mga gawa at salita na nakalulugod sa Diyos, mga bagay na Kanyang iniutos o hinikayat na isagawa, ito man ay sa pamamagitan ng tuwirang tekstuwal na katibayan o sa pamamagitan ng analohiya. Kaya, ang pagsamba ay hindi limitado sa pagpapatupad ng limang mga haligi ng Islam, ngunit kasama rin ang bawat aspeto ng buhay. Ang pagbibigay ng pagkain para sa kanyang pamilya, ang pagsasabi ng isang bagay na kaaya-aya upang pasayahin ang isang tao ay maitutruring din na mga gawang pagsamba, kung ang mga ito ay ginagawa sa hangarin na palugurin ang Diyos. Ito ay nangangahulugang, upang tanggapin, ang lahat ng mga gawang pagsamba ay dapat na isinasagawa nang taimtim alang-alang sa Diyos lamang.
Ang pangalawang bahagi ng pagsaksi ay nangangahulugan na ang Propeta Muhammad ay ang alipin at piniling sugo ng Diyos. Nagpapahiwatig ito na siya ay dapat na tumalima at sumunod sa mga utos ng Propeta. Siya ay dapat maniwala sa anumang kanyang sinabi, isabuhay ang kanyang mga turo at umiwas sa kanyang mga ipinagbawal. Siya ay dapat na sambahin ang Diyos ayon sa kanyang pagtuturo lamang, sapagkat ang lahat ng mga turo ng Propeta sa katunayan ay mga kapahayagan at inspirasyon na ipinadala sa kanya ng Diyos.
Siya ay dapat subukang hubugin ang kanilang mga buhay at pagkatao at tularan ang Propeta, dahil siya ay isang buhay na halimbawa para sundin ng mga tao. Ang Diyos ay nagsabi:
“At sa katunayan, ikaw ay nasa isang mataas na pamantayan ng pagkatao.” Ang Quran 68: 4.
Ang Diyos ay nagsabi rin,
“At sa gawa, ay mayroon kang isang mabuti at matuwid na halimbawa bilang isang Sugo ng Diyos, para sa mga umaasa na makaharap ang Diyos at kabilang-buhay, at binabanggit ang Diyos ng madalas.” Ang Quran 33:21
At upang tunay na sumunod sa ikalawang bahagi ng Shahada ay ang pagsunod sa kanyang halimbawa sa lahat ng aspeto ng buhay. Ang Diyos ay nagsabi:
“Sabihin (O Muhammad sa sangkatauhan): “Kung mahal mo (talaga) ang Diyos, magkagayon ay sumunod sa akin.'” Quran 3:31.
Tinatanggap ka namin sa Islam, at binabati sa iyong pasya. Isa ka nang Muslim Ngayon. Kaya, ano ang susunod na mangyayari? Saan ka tutungo mula rito? Bisitahin ang “Muslim Ngayon,” isang website na nakatuon upang tumanggap, magpalakas, at magbigay ng edukasyon para sa mga Bagong Muslim.